• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Holyfield piniling patok si Pacquiao kay McGregor

LIYAMADO para kay former undisputed cruiserweight at heavyweight world men’s boxing champion Evander Holyfield si eight division world boxing champion Emmanuel Pacquiao sakaling matuloy ang boxing match kay dating two-division Ultimate Fighting Champion (UFC) world titlist Conor Anthony McGregor sa Gitnang Silangan sa kasalukuyang taon.

 

Gayunman, klinaro nang 58-anyos na sa kasalukuyan, may  6-2 ½ ang taas na Amerikano at nagsabit ng gloves niya noong 2014, na maari rin namang magulat ang Pinoy ring icon sa sport niya, ng Irish mixed martial arts (MMA) superstar dahil sa lakas, puso, abilidad at palaban ito.

 

“McGregor’s strength is grabbing people and turning people and flipping people, where he had more things to think about. However, anybody who gets in the ring has some chance, I believe. You ain’t getting in the ring if you think you ain’t got a chance. And McGregor has some skills too,” paglalahad ni Holyfield sa pahayagang The Sun nitong isang araw.

 

Dinagdap pa ng tubong Alabama at pinagsama-samang kopoin noon ang mga titulo ng World Boxing Association (WBA), World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF),  “He has that heart to fight, heart of a fighter. He can fight so ain’t nobody just going to beat him up in no kind of way. Just like the boxers, he has the mentality of a fighter.”

 

Inabisuhan din ni Holyfield ang kanyang manok na handa niyang tulungan sa paghahanda kung naisin nito, na huwag makipagdikitan sa banatan kay Pacquiao. Dapat aniyang gamitin ang kalamangan sa haba ng mga braso ni McGregor sa mga atake sa Pambansang Kamao.

 

Makikipagtuos muna ang 32 taong-gulang na si McGregor kay UFC interim lightweight king Dustin Poirier ng Estados Unidos sa UFC 257 sa Enero 23 sa Abu Dhabi, UAE.

 

Inansunsiyo naman ni Pacquiao, 42 ang dalawang laban sa taong ito mula sa nakalipas taong pagkatengga dulot ng Covid-19.

 

Hanggang bukas po uli mga ka-Opensa Depensa. (REC)

Other News
  • Abueva, tinanggihan ang mga alok sa ibang liga

    Mas pinili pang maglaro sa PBA kaysa mapunta sa ibang liga si Phoenix Fuel forward Calvin Abueva.   Sinabi nito na mula ng masuspendi siya sa PBA noong June 2019 ay inalok itong maglaro sa ibang liga gaya sa MPBL, liga sa Thailand at sa Japan.   Ang nasabing mga offier ay kaniyang tinanggihan dahil […]

  • Paggamit ng QR code sa mga palengke at pagbabayad ng pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa, pinag- aaralan-PCO

    MASUSING pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang hangarin ng gobyerno na ipatupad ang cashless na pagbabayad sa mga palengke at pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa.     Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ito’y sa pamamagitan ng Quick Response o QR code.     Ayon sa PCO,  makakatuwang ng gobyerno sa inisyatibang ito […]

  • 15 probinsiya sa Luzon, nakapagtala ng very high Covid-19 positivity rate

    INIULAT  ng OCTA Research Group na isinailalim ngayon sa “very high” COVID-19 positivity rates ang 15 probinsiya sa Luzon.     Ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng probinsiya ng Albay, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.     Base sa data, […]