• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Home quarantine’ bawal muli sa Maynila

Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagbabawal muli sa “home quarantine” dahil sa pagkakatuklas sa dalawang kaso ng mas mapanganib na Delta variant sa siyudad.

 

 

Sakop ng hindi na pinapayagan sa home quarantine ay ang mga indibiduwal na kinakakikitaan ng sintomas ng COVID-19 at maging ang mga asymptomatic na pasyente.

 

 

Umapela ng suporta at pakikipagtulungan si Moreno sa mga apektadong residente dahil para sa kaligtasan ng mas nakararami ang nakataya dito sa mu­ling pagbabawal sa pananatili sa bahay ng mga maysakit. Binigyan niya ng direktiba si Dr. Ed Santos, assistant chief ng Manila Health Department (MHD) na hanapin ang lahat ng mga  asymptomatic na pasyente na kasaluku­yang nagho-home qua­rantine at sunduin.

 

 

Isasailalim din sa pagsusuri ang mga pasyente upang nabatid kung may taglay na va­riant ang dumapo sa kanilang virus at dadalhin sila sa Manila COVID-19 Field Hospital upang doon gamutin at paga­lingin.

 

 

Unang pinayagan ng MHD ang mga pas­yenteng asymptomatic na mag-home quarantine basta napatunayan nilang may espasyo sila sa bahay para mahiwalay sa ibang kasambahay habang nagpapagaling.

 

 

Iniulat naman ng MHD na pawang nega­tibo ang mga nakasalamuha ng dalawang nag-positive sa Delta variant sa Maynila sa kanilang ikinasang contact tra­cing.

Other News
  • PH, Malaysian foreign ministries, pag-uusapan ang Sabah-PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-uusapan ng foreign ministries ng Pilipinas at  Malaysia ang isyu ng  Sabah kasunod ng naging pagbisita sa bansa ni Prime Minister Anwar Ibrahim.  Tiniyak ng Pangulo na masinsinan ang magiging pag-uusap sa nasabing isyu. “Napag-usapan din namin yung isyu ng Sabah, alam niyo naman mayroon tayong claim diyan […]

  • Ads February 17, 2020

  • PSC: Praktis ng atleta, ‘di apektado ng COVID-19

    HABANG wala pang pormal na anunsiyo buhat sa International Olympic Committee (IOC) kung itutuloy o hindi ang 2020 Tokyo Olympics sanhi ng coronavirus o Covid-19, tuloy ang ensayo at training ng mga national athletes na sasabak dito at ang mga atletang malaki ang tsansa na makapasok dito.   Ito ang ipinahayag ni Philippine Sports Commission […]