• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HONEY LACUNA AT YUL SERVO, NAGHAIN NG COC BILANG MAYOR AT VICE MAYOR SA MANILA

NAGHAIN na ng kandidatura si Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-Alkalde ng lungsod ng Maynila sa darating na 2022 election. 

 

 

Kasama ni Lacuna ang kanyang running mate na si 3rd District Congressman Yul Servo Nieto sa paghahain ng kanilang kandidatura sa comelec kung saan kapwa sila tatakbo sa ilalim ng lokal na partidong Asenso Manileño matapos ianunsiyo ang kanilang mga kasamahan sa Konseho at sa Kongreso.

 

 

Ayon kay Lacuna, inspirasyon nito ang kanyang ama na si dating Vice Mayor Danny Lacuna upang pasukin nito ang mundo ng politika.

 

 

Si Lacuna ang kauna-unahang babaeng Majority Floor Leader at Vice Mayor sa lungsod ng Maynila. Nagsilbi din siyang director ng Manila Department of Social Welfare mula 2013 hanggang 2015 at nakatatlong termino ito bilang GB Konsehal sa Distrito 4 mula 2004 hanggang 2013.

 

 

Tiniyak naman ni Lacuna sa mga Manilenyo na sa sandaling siya ang magwagi bilang susunod na alkalde   ay ipagpapatuloy niya ang mga nasimulang pagbabago at programa ni Moreno sa Maynila. Pinasalamatan din nito si Moreno dahil hindi umano siya binalewala nito at hinayaan na makilahok sa mga mahahalagang proyekto ng lungsod.

 

 

Kasama rito ang social amelioration program na lungsod na nagbibigay ng monthly allowances sa mga senior citizens, solo parents, estudyante at persons with disability.

 

 

“Mga batang  Maynila, samahan po ninyo ako. Gumawa po tayo ng kasaysayan sa Lungsod ng Maynila. Bigyan natin ang kapitolyo ng ating bansa ng pinuno na may puso ng isang ina, pagmamalasakit ng isang doktora, kayang -kaya ko nang kayong pamunuan at paglingkuran” pahayag pa ni Lacuna.

 

 

Samantala, handa na rin umano si Nieto na harapin at tupdin ang responsibilidad ng ikalawang pinakamataas na pwesto sa lokal na pamahalaan matapos nitong pasukin ang pulitika taon 2007.

(GENE ADSUARA )

Other News
  • Pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tutugis sa mga nagmamanipula sa presyo ng mga meat products

    APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tututok sa isyu ng labis na pagtaas ng presyo ng mga ibinebentang karne ng baboy sa mga pamilihan.   Ito rin ang tutugis at mag-iimbestiga sa mga hinihinalang nagmamanipula sa suplay at presyo ng mga meat products sa bansa.   […]

  • Most wanted person, nasilo sa Valenzuela

    ISANG 57-anyos na mister na listed bilang most wanted ang nasakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Primitivo Sardoma, 57 ng No. 59 B. Elysian Subdivision, Brgy. Marulas.     Sa ulat ni […]

  • Laure, Bagunas official Ambassadors para sa FIVB world men’s meet

    IPINAKILALA sina Alas Pilipinas standouts Eya Laure at Bryan Bagunas bilang Official Ambassadors sa pamamahala sa bansa sa FIVB Men’s Volleyball World Championship Philippines 2025 sa Setyembre. Makakasama rin nina Laure at Bagunas sa mga gagawing promotional tours dito at sa ibang bansa ang indie folk-pop band Ben&Ben bilang magiging Official Music Partner sa hosting ng […]