Hot meat, nabubulok na karneng manok nasabat
- Published on March 5, 2020
- by @peoplesbalita
NAHARANG ng City Veterinary Office ang isang van na naglalaman ng higit sa 3,000 kilong nabubulok at mishandled na karneng manok sa labas ng Cogon market, Cagayan de Oro City, kahapon (Miyerkules) ng umaga.
Nakasilid ang karne sa mga supot.
Higit 1,000 kilo ng karneng manok ay nangangamoy at halos nabubulok na, habang higit 2,000 kilo naman ang ‘hot meat’ dahil wala itong meat inspection certificate.
“Hinanapan namin ng meat inspection certificate ang mga nagtitinda sa loob. Wala daw kasi nasa mga meat van. Kaya lumabas kami. Upon checking sa isang meat van, walang meat inspection certificate at spoiled almost half (ng nasa loob) sa meat van,” sabi ni Dr. Darryl Rasay, Senior Meat Control Officer ng City Veterinary Office.
Hindi na nagbigay ng pahayag ang driver at pahinante ng van, pero inamin nilang galing ang karga nilang karne sa bayan ng Tagoloan sa Misamis Oriental at dadalhin sana patungong Marawi City.
Ililibing ng City Veterinary Office ang nakumpiskang karne, habang patuloy pang iniimbestigahan ang may-ari nito na kakasuhan ng paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines.
-
VOTING AGE GAWING 16 YEARS OLD
AYON sa batas maaari kang magparehistro bilang botante kapag 18 years old ka na – estudyante ka man o hindi, may trabaho man o wala. Basta 18 years old. Pero sa SK elections maaring bumoto at iboto ang 15 years old. Dati ang voting age ay 21 years old bago ito binaba ng 18 years […]
-
Pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa general population, depende sa suplay ng bakuna- Malakanyang
NAKATAKDANG magpulong ngayon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para talakayin ang pagbabakuna sa general population na nakatakdang simulan sa susunod sa susunod na buwan. Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, ang pagbabakuna sa general population laban sa COVID-19 ay mananatiling depende sa suplay ng bakuna. “Ang detalye […]
-
P1 bilyong SRA ng health workers, wala pang pondo
NANANATILING wala pang pondo ang P1 bilyong COVID-19 Special Risk Allowance (SRA) para sa mga health workers sa loob ng dalawang taon makaraang tumama ang pandemya sa bansa. Sinabi ito ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa presentasyon ng panukalang pondo ng ahensya para sa 2023 sa Kongreso. Nakikipag-ugnayan naman umano […]