Hot Shot star Marc Pingris magreretiro na sa PBA
- Published on May 27, 2021
- by @peoplesbalita
Magreretiro na sa paglalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) si Magnolia Hot Shot player Marc Pingris.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa sarili nitong social media account kung saan ikinuwento niya ang unang sabak niya sa PBA noong 16- taon na ang nakakaraan.
Hindi aniya nito malimutan ng tawagin ang kaniyang pangalan noong 2004 PBA Draft at doon natupad ang pangarap ng isang batang palengke.
Handa na umano itong simulan ang bagong chapter ng kaniyang buhay.
Pinasalamatan nito ang kaniyang mga pamilya at mga fans na sumuporta sa kaniyang buong basketball career.
Unang napili ang 39-anyos na si Pingris sa FedEx Express noong 2004 at matapos ang isang taon ay lumipat siya ng Purefood kung saan naglaro siya mula 2005 hanggang 2008.
Lumipat ito sa Magnolia ng hanggang isang taon at matapos nito ay bumalik siya sa Purefoods.
Kabilang ito na nakakuha ng siyam na PBA titles kabilang ang kakaibang grand slam noong 2014 sa ilalim ni Tim Cone.
Dalawang beses nakuha ng tinaguriang “Pinoy Sakuragi” ang Finals MVP, tatlong beses na PBA Defensive of the Year awards at walong beses na miyembro ng PBA All-Defensive Team.
Naging bahagi ang tubong Pozorrubio, Pangasinan player ng Gilas Pilipinas na isa sa naging susi sa panalo laban sa South Korea noong 2013 FIBA Asia Championship.
-
Huling SONA ni PDu30 magiging simple at ilalahad ang nagaganap na reyalidad sa ground- Andanar
TINIYAK ng Presidential Communications Operations Office (PCOO)na repleksiyon ng pagiging simple ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang aasahan ng publiko para sa huling State of the Nation Address (SONA) nito sa darating na Hulyo 26, 2021. Ito ang paglalarawan ni PCOO Secretary Martin Andanar sa magiging SONA ng Pangulo at itinuring bilang isang optimistic […]
-
Bagong album ni Taylor Swift na “Evermore”, umani ng bonggang review mula sa Rolling Stone magazine
Thankful si Alfred Vargas na nagkaroon siya ng pelikula sa Metro Manila Film Festival. Una niyang MMFF entry ay ang Bridal Shower in 2004 na dinirek ni Jeffrey Jeturian at ang huli ay ang Banal in 2008 na dinirek ng the late Cesar Apolinario. Isang taon na raw natapos ang latest MMFF official […]
-
Galaw ng monster ship mahigpit na binabantayan at sinusundan ng PCG – NSC
TINIYAK ng National Security Council (NSC) na tatapatan ng karampatang aksyon ng Pilipinas sa oras na gumawa ng anumang provocative action ang namataang monster ship ng China sa karagatan malapit sa Zambales. Ayon kay NSC Assistant Girector-General Jonathan Malaya na hindi pinababayaan at patuloy na sinusundan at minamanmanan ang galaw ng ng Philippine Coast Guard […]