• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House and lot bonus ni Bambol sa 3 boxers

Para kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, nararapat lamang bigyan ng pabuya sina Olympic Games silver medal winners Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Felix Marcial.

 

 

Kahapon ay inihayag ni Tolentino ang pagbibigay niya kina Paalam, Petecio at Marcial ng house and lot sa Tagaytay City.

 

 

“Bibigyan din natin sila ng pabahay na puwede nilang ibigay sa kanilang mga pamilya,” ani Tolentino na nauna nang nagbigay kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ng isang house and lot sa Tagaytay City.

 

 

Nang ihayag ito ni Tolentino ay niyakap at hinalikan ni Marcial, natalo sa semifinals ng middleweight division, sa pisngi si Paalam.

 

 

Lubos naman ang pasasalamat ni Paalam, nabigo sa gold medal round ng flyweight category, sa POC chief.

 

 

“Malaking bagay po ito para sa akin at sa pamilya ko,” ani Paalam.

 

 

Nauna nang inihayag ni Tolentino ang pagbibigay ng POC kasama ang MVP Sports Foundation ni Manny V. Pangilinan ng tig-500,000 sa mga Olympic non-medalists.

 

 

Ang mga tatanggap nito ay sina gymnast Carlos Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena, boxer Irish Magno, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa, skateboarder Margielyn Didal, shooter Jayson Valdez, judoka Kiyomi Watanabe, weightlifter Elreen Ando, gol­fers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan, sprinter Kristina Knott at swimmers Remedy Rule at Luke Gebbie.

Other News
  • KYLA, dinamdam nang husto na nawala na naman ang kanyang pinagbubuntis; excited na pa naman na maging kuya ang anak

    DINAMDAM nang husto ng singer na si Kyla ang ikatlong beses na nakunan siya.     Babae pa naman ang pinagbubuntis ni Kyla at excited na ang anak nila ni Rich Alvarez na si Toby na maging isang kuya.     Ayon sa pinost ng singer sa social media: “My heart is broken in levels […]

  • EJ Obiena desididong magtapos ng kolehiyo

    DESIDIDO si Filipino pole vaulter EJ Obiena na tapusin ang kaniyang college degree sa University of Santo Tomas.     Sinabi nito na nagsusumikap pa rin siyang makuha ang diploma sa kursong Electronic Engineering.     Nag leave of absence muna ito para pagtuunan ng pasin ang kaniyang paglalaro sa pole vault.     Sa […]

  • Ads July 8, 2024