• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong

SA HANGARING mabawasan o mapigilan na ang anumang “firecracker-related injuries,” nais ng isang mambabatas ang tuluyang pagbabawal o total ban sa bentahan, distribusyon at paggamit ng mga “firecracker” o paputok at iba pang pyrotechnic devices.

 

 

Sa House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong ni House Committee on Local Government Chairman at Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian na patawan din ng parusa ang mga lalabag.

 

 

Nakapaloob sa explanatory note, sinabi ni Gatchalian na may mga regulasyon na ipinatutupad laban sa mga paputok. At batay sa datos ng Department of Health o DOH, naging epektibo naman ito sa kampanya kontra sa pagpapaputok.

 

 

Subalit, sinabi ng mambabatas na may mga kaso pa ring naitatala, at ang mga bata at “young adults” na edad 11 hanggang 30 anyos ang karaniwang nadadale ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng boga, 5-star at piccolo.

 

 

Kadalasan aniya sa mga nabibiktima ng paputok ay ang mga tinatawag na “passive spectators o bystanders” o ‘yung mga nanonood lang.

 

 

Nilinaw naman ni Gatchalian na kapag naging ganap na batas ang kanyang panukala ay may “exemptions” pa rin lalo na sa mga okasyon o pagkakataon na kailangan ng mga paputok.

 

 

Ang mga korporasyon o kumpanya ay dapat makakuha muna ng “special permit” mula sa Philippine National Police o PNP Fire and Explosive Office.

 

 

At kapag may permit na, dapat itong ipakita sa kaukulang lokal na pamahalaan na siyang magpapasya na payagan ang fireworks sa “designated areas” at dapat gawin ng mga propesyunal ang fireworks display.

 

 

Nakasaad pa sa panukala ni Gatchalin na ang parusa sa mga lalabag ay: 1st offense, multang P1,000 o kulong na hindi higit sa isang buwan, o pareho depende sa pasya ng korte. Sa 2nd offense, multang P3,000 o kulong na hindi higit 3-buwan o pareho; at sa 3rd offense, multang P5,000 o kulong na hindi lagpas ng 6-buwan o parehong parusa

 

 

Kapag ang lumabag ay business establishment, mananagot ang presidente o general manager; habang kakanselahin ng City Mayor o LGU ang business permit ng negosyo kapag umabot sa 3rd offense. (Ara Romero)

Other News
  • Party-list group Gabriela, nilabag ang Saligang Batas-Esperon

    SINABI ni National Security Adviser (NSA), Secretary Hermogenes Esperon, Jr., na malinaw na nilabag ng party-list group Gabriela ang Saligang Batas dahil sa di umano’y pagtanggap ng financial assistance at suporta mula sa foreign sources.   Bahagi ito ng naging testimonya ni Esperon sa video teleconferencing sa idinaos na 2nd Division of the Commission on […]

  • 2 KABABAIHAN SA HUMAN TRAFFICKING HINATULAN NG HABANGBUHAY

    HINATULAN  na ng korte ang dalawang  kababaihan na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa human trafficking.     Ayon sa NBI, habambuhay na pagkakakulong ang ipinataw sa mga akusado na sina Mary Jane Mendoza at Magdalena Viray ng Sta.Cruz, Laguna Family Court Branch 6 .     Taong 2019 nang maaresto ng […]

  • ELLEN, tinawag na ‘ingrata’ ng netizens at pinalalayas na sa ‘Pinas dahil sa planong mag-file ng kaso

    NEGA nga sa netizens ang balitang diumano’y planong mag-file ng legal complaints ni Ellen Adarna sa production ng John en Ellen kunsaan, naging show niya sa TV5.     Pagkatapos ng walk-out issue, heto’t mali raw ang ginawang pagsu-swab sa kanya kaya siya nag-false positive, pati ang P.A. niya. Na-trauma at hindi rin daw nakita […]