• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House nais ipasagot na rin dialysis meds sa PhilHealth

INATASAN ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth na pag-aralan kung maaari nilang sagutin na rin ang gamot na ginagamit sa pagpapa-dialysis  ng mga diabetic patients.

 

 

Ayon kay House ­Deputy Majority Floor leader Erwin Tulfo, ito ang nais ng mga mambabatas sa Kongreso para mabawasan o tuluyan ng malibre ang gamot ng mga may acute diabetes sa bansa.

 

 

“4.5 milyong Pilipino ang may diabetes at halos kalahati nito ang nagpapa-dialysis ng isa hanggang tatlong beses isang linggo,” ani Cong. Tulfo.

 

 

Dagdag pa ng ACT-CIS Representative, “umaabot kasi ng P900 hanggang P1,500 ang injection pagkatapos ng  dialysis session ng isang pasyente”.

 

 

Ayon kay Tulfo, “may instruction si Speaker Romualdez na pag-aralan agad ng PhilHealth kung papaano malibre o sagutin na lang nila ang gamot, totally”.

 

 

Maraming mga dialysis patients daw kasi ang lumapit na kay Romualdez para hilingin na gawin na lang libre ang gamot o makakuha sila ng discount man lang.

 

 

“Sabi ni Speaker sa kanila naiintindihan nya ang bigat ng gastusin sa halos araw-araw ng pagpapa-dialysis”, ayon kay Tulfo.

 

 

“The house leadership want to unload o bawasan itong pasanin sa pagpapa-dialysis”, ayon sa mambabatas.

 

 

Sa ngayon sinasagot na ng PhilHealth ang pagpapadialysis ng mga miyembro nito pero ‘di pa kasama ang gamot.

Other News
  • PBA NADUWAG, LUGI VS COVID-19

    HINDI na rin nakaiwas ang Philippine Basketball Association (PBA) sa COVID-19.   Mula sa orihinal na plano na magsagawa ng ‘close door’ game, ipinahayag ni PBA Commissioner Willy Marcial, matapos ang pakikipagpulong sa mga miyembro ng Board, na ipagpaliban ang mga laro sa Philippine Cup, gayundin ang liga sa D-League at 3×3 basketball.   Kabilang […]

  • Enrolled bill ng 2021 budget, inihahanda na para sa lagda ni Pangulong Duterte

    Inihahanda na ng Kongreso ang enrolled bill para sa 2021 national budget.   Ito’y makaraang makalusot na ang P4.5 trillion budget sa paghimay ng bicameral conference committee at naratipikahan na rin sa Kamara at Senado.   Ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, ihahanda na nila ang lahat ng kinakailangan para maihatid […]

  • Kaya pang maghintay hanggang 2026: SHAIRA at EDGAR ALLAN, ‘no sex’ hangga’t hindi pa ikinakasal

    KUMPIRMADONG sa taong 2026 ikakasal sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman.   Nilinaw ito mismo ni Shaira nang maging guest siya sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ kamakailan.   “2026, opo,” ang sagot ni Shaira sa tanong ni Kuya Boy kung totoong 2026 sila ikakasal.   Nananatili pa ring mahigpit ang paniniwala nina Shaira […]