House-to-house COVID vaccination, OK sa Metro M’la mayors ‘pag natuloy ECQ – Olivarez
- Published on July 31, 2021
- by @peoplesbalita
Gagawing house-to-house ang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination sa Metro Manila sakali mang matuloy ang 14-day enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, handa silang ipatupad ang ECQ kung ito ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Ang hinihingi lamang aniya nila sa ngayon ay mabigyan sila ng karagdagang supply ng COVID-19 vaccines para kapag natuloy ang ECQ sa Metro Manila ay makakapag-ikot sila sa mga bahay-bahay at hindi makaligtaan ang pagpabakuna.
Kailangan din aniya nila ng suporta mula sa national government para ma-augment ang kanilang pondo sakali mang magpatupad ng mas striktong restrictions.
Nauna nang sinabi ng Malacanang na hindi pa sila sigurado kung mayroon pang pondo ang pamahalaan para ibigay bilang monetary assistance kapag ilalagay ang Metro Manila sa ECQ.
-
PBBM, target ang government-to-government deals para sa pagbili ng fertilizer
TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isulong ang government-to-government talks para tugunan ang tumataas na presyo ng fertilizers. Naniniwala kasi si Pangulong Marcos na maaaring makabili ang pamahalaan ng mas murang fertilizers sa pamamagitan ng government-to-government deals. Kinokonsidera ng Chief Executive ang makipag-usap sa China, Indonesia, United Arab Emirates, […]
-
OFFICIAL TRACE APP, INILUNSAD SA MAYNILA
INILUNSAD kahapon sa lungsod ng Maynila ang Official Tracer App ng Pilipinas para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Nanguna sa launching ng naturang App, na tinatawag na ‘staysafe.ph’ ay sina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, COVID testing Czar Secretary Vince Dizon, Tracer Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at […]
-
Sharon, naging senti nang ipinakita ang red LV bag ni Mommy Elaine
GRANTED na ni Megastar Sharon Cuneta ang requests ng kanyang mga Sharonians at mga YouTube subscribers na i-feature naman niya sa kanyang vlog sa Sharon Cuneta Network, na she titled “My Bag Collection.” Inamin ni Sharon na na- accummulate daw niya iyon simula pa nang magtrabaho siya, pero ilan lamang ang dinala niya para […]