• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House-to-house vaccination ng pamahalaan, tuloy pa rin pero para lamang sa mga bedridden -Usec. Malaya

TULUY-TULOY pa rin ang house-to-house vaccination ng pamahalaan subalit para lamang sa mga bedridden.

 

Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing na ang lahat ng Local Government Units (LGUS) sa Kalakhang Maynila at karatig-lugar ay gumagawa ng house-to-house vaccination.

 

“Para lamang po iyan sa mga bedridden na hindi makalabas ng kanilang bahay. Ngunit hindi naman po natin puwedeng gawing massive ‘yan dahil hindi naman ganoon karami ang ating mga vaccinators at malaki ang manpower na kakailanganin natin. Iyong pag-transport na lamang ng mga bakuna. Isipin natin kung Pfizer ang ating ibabakuna … have to keep the temperature at hindi kailangan na nagagalaw ‘yan na lamang. This is a logistical issue na unfortunately hindi natin makakaya ang house to house,” ani Usec. Malaya.

 

Magkagayon man ay mayroon namang ginawang interventions ang DILG lalo pa’t nagsimula na ang lockdown ngayong araw at ito ay nagbigay sila ng instructions sa kapulisan na kailangan lamang na padaanin sa check points ay iyong may mga QR code, may mga schedule ng pagbabakuna maging ito man ay email o text.

 

Mangyaring ipakita lamang ito sa kapulisan para makadaan sa lugar na may checkpoints.

 

Ito ang pipigil sa pagdagsa ng mga tao na walang iskedyul sa mga vaccination centers.

 

Samantala, gustong malaman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang puno’t dulo ng tila pananabotahe sa vaccination program ng pamahalaan na paiigtingin ngayong 2 linggo ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region.

 

Dumagsa kasi kahapon sa mga malls at vaccination centers sa Maynila, Las PInas, Antipolo ang mga taong nais na magpabakuna matapos na maalarma sa kumalat na fake news na “no vaccine, no ayuda”.

 

“Nakapagtataka lang na kung medyo nakita natin na may nagpakalat talaga nitong na ikinonekta ang ayuda sa vaccination. Wala naman pong ganyan eversince? Na kesyo matitigil ang vaccination dito sa Maynila at kailangang bilisan nilang magbakuna. So, and then, mayroon pang reports na may mga bus na nakasakay iyong mga magpapabakuna at dinala sa iba’t ibang bakuna centers. So, itong mga ganito as the DILG … hindi  namin puwedeng ibalewala? We will have to get to the bottom of this and I hope.. iyon nga po.. ma-dispel ito? But just in case na mayroong ganito ngang reports. This must be thoroughly investigated,” anito.

 

At gaya aniya ng kanyang sinabi ay nagsanib puwersa na ang NBI, PNP at National Task Force (NTC) para imbestigahan ang bagay na ito.

Other News
  • Ads February 19, 2021

  • Jeepney drivers nagbabala na hihinto ng operasyon

    NAGBIGAY ng babala ang mga jeepney drivers na sila ay hihinto sa kanilang operasyon ngayon linggo upang iprotesta ang tumataas na presyo ng krudo at iba pang produktong gasolina.       Ayon sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (Piston) na ang mga miyembre na kasama sa kanilang asosasyon ay umaangal […]

  • Abueva, Sangalang bagong 1-2 pambato ng Magnolia

    LUMALABAS na sina big man Ian Paul Sangalang at stalwart Calvin Abueva na ang bagong 1-2 armas ng Magnolia Hotshots sa nalalapit na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021.     Ilanga raw pa lang dumating si ‘The Beast’ Abueva sa Pambansang Manok na trinade ng Phoenix Super LPG  kasama ang first round […]