‘House-to-house’ visits vs COVID-19 case ipatutupad
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
Posibleng magpatupad ang gobyerno ng “house to house” visits kung kinakailangan para madala agad sa isolation facilities ang mga COVID-19 patients.
Sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesman Retired Maj. Gen. Restituto Padilla na ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR), Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal ay mahigpit na ipapatupad ng gobyerno ang Prevention, Detection, Isolation, Treatment, and Reintegration (PDITR) strategy.
Kabilang din umano dito ang tinatawag na surveillance at pagpapaigting o pag-scan sa mga komunidad kung saan may tumataas na kaso nang sa ganun ay malaman kung sino ang nagdadala ng sakit para kaagad madala sa isolation facilities at magamot.
Ito ay dahil mayroon umanong mga indibidwal na nagtataglay ng virus pero walang sintomas kaya sila ang dapat na madala sa isolation facilities.
Ang deklarasyon ng Malakanyang sa ECQ ay para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pagbabayad ng utang sa Philippine National Red Cross, kayang bayaran ng buo
SINABI ng Malakanyang na walang problema sa usapin ng pondo ang pamahalaan para mabayaran ang utang ng PHILHEALTH sa Philippine National Red Cross. Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kung sa kakayahang magbayad ng gobyerno para ayusin na ang atraso sa PNRC ay kaya naman nito. Iyon nga lamang ay kailangan lang […]
-
FLORENCE PUGH: A BRILLIANT, COMPLEX HEROINE IN “DON’T WORRY DARLING”
TO portray the heroine, Alice—one-half of a deliriously happy couple in New Line Cinema’s audacious, twisted and visually stunning thriller, “Don’t Worry Darling”—director Olivia Wilde cast globally acclaimed Academy Award-nominated actress, Florence Pugh (“Little Women,” “Black Widow”). [Watch the “Dinner Clip” from the film at https://youtu.be/FvrYrUy6NAQ] The provocative, relatable themes of the project piqued Pugh’s interest: […]
-
330 mga bagong kaso ng COVID-19, naitala sa PH -DOH
NAKAPAGTALA lamang ng 330 na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Pilipinas kahapon. Dahil dito, umakyat na ang kabuuang bilang ng mga kaso sa 3,676,991. Sa data ng Department of Health (DoH) ang active case naman ay bumaba sa 42,835 mula sa dating 43,486 active cases. Pumalo naman […]