‘Household lockdowns,’ inirekomenda sa pamahalaan dahil sa pagsirit ng COVID cases
- Published on April 6, 2021
- by @peoplesbalita
Nananawagan si Marikina Rep. Stella Quimbo sa pamahalaan na magpatupad ng “household lockdown” sa harap nang surge ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ng ekonomistang kongresista na kailangan na magkaroon ng mas marami pang “localized lockdown” para mapigilan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.
Ayon kay Quimbo, ang isang bahay na mayroong COVID positive patient ay kailangan na isailalim sa lockdown at lahat ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nakatira rito ay dapat na maibigay sa kanila sa tulong na rin ng mga local government units.
Mahalaga rin aniyang mabigyan sila ng sapat na cash, at hindi lamang ng in-kind assistance, bukod pa sa sick leave para sa mga nagtatrabahong miyembro ng household.
Kahapon, inanunsyo ng pamahalaan ang pagpapalawig ng isa pang linggo sa enhanced community quarantine (ECQ) status sa mga lugar na sakop ng NCR (National Capital Region) Plus dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa.
Iginiit ni Quimbo na mawawalang saysay ang pagpapalawig sa ECQ kung hindi naman babaguhin ng Department of Health ang approach nito sa pagresolba sa mga problemang hatid ng pandemya.
-
Degradation ng Sierra Madre, pinaiimbestigahan
PINAIIMBESTIGAHAN ng chairman ng House committee on natural resources ang degradation o unti-unting pagkasira ng Sierra Madre mountain range. Sa House Resolution No. 430, nais din makahanap ng mga paraan si Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., upang maprotektahan ang naturang kabundukan upang maiwasan ang pagbaha sa iba’t iban lugar sa bansa. […]
-
Gobyerno nananatili sa ‘targeted testing’ para kontrolin ang pagkalat ng Covid-19
SA HALIP na mass testing, ang targeted testing o responsible testing ang gagamitin para makontrol ang pagkalat ng Covid-19 habang sinisiguro na ang government resources ay hindi mauubos. Isinantabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang panawagan para sa mass testing, binigyang diin nito ang pangangailangan para sa pamahalaan na […]
-
Ads December 6, 2021