Housing unit, ipinagkaloob ng Valenzuela sa isang PWD Family
- Published on May 12, 2023
- by @peoplesbalita
MISYON ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na magbigay ng inklusibong serbisyo para sa lahat, kaya naman pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian, sa pakikipag-ugnayan ng City Social Service and Development Office (CSWDO) at Housing and Resettlement Office (HRO) ang pagbibigay ng isang fully-furnished na housing unit sa isang PWD family sa Disiplina Village, Brgy. Ugong.
Ang benepisyaryo ay isang PWD family na kinabibilangan nina Mr. Jonady Zapanta, 42, kanyang kapatid na si Ms. Nelly Zapanta, 32, may sakit na Tetra-Amelia Syndrome, at ang kanilang pamangkin na si Ms. Marie Zapanta, 19, na may hydrocephalus. Ang pamilya ay kliyente na ng Pamahalaang Lungsod mula 2011 kung kailan nagsimula ang kanilang paghingi ng tulong pinansyal para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Si Mr. Zapanta, bilang pinuno ng kanilang pamilya ay hindi napigilan ng kanyang sariling kapansanan at patuloy na nagsumikap bilang isang beautician sa Barangay Dalandanan para suportahan ang kanilang pamilya kung saan ang kinikita niyang PhP 4,000 kada buwan ay hindi sapat para sa pangangailangan ng pamilya.
Noong 2016, namagitan na ang CSWDO sa pamamagitan ng pagbibigay ng pang araw-araw na supply ng diapers at gatas. Nagbigay rin ng serbisyo si Ms. Amelia Gatuz , isang homecare volunteer, sa pamamagitan ng pagtulong sa pangangalaga kay Marie.
Dahil sa hirap ng sitwasyon ng pamilya ay inirekomenda sila ng CSWDO na mabigyan ng tuloy-tuloy at maayos na tulong, kaya naman binigyan sila ng Pamahalaang Lungsod ng isang housing unit sa Disiplina Village na naglalaman ng mga kagamitan para sa mga pangangailangan ng pamilya nanaglalayon magbigay ng mas komportableng matutuluyan para sa kanila.
Isa lamang ito sa mga darating pang programa ng lokal na pamahalaan na makakapagpagaan sa pamumuhay ng Pamilyang Valenzuelano.
Dumalo rin sa pagbibigay ng housing unit sina Councilor Niña Lopez, CSWDO head Ms. Dorothy Evangelista, HRO head Ms. Elenita Reyes, Ugong Punong Barangay Ed Nazar at Konseho. (Richard Mesa)
-
First Look At Ryan Gosling As Shirtless and Older Ken, Barbie Fans Reacted
WARNER Bros. has debuted the first look at Ryan Gosling’s Ken in the live-action Barbie movie. The two-time Oscar nominee is shown sporting bleach blonde hair and a cutoff jean jacket that highlights Gosling’s incredible physique. Following in the footsteps of the first image of Margot Robbie as Barbie, the debut of Gosling’s […]
-
JESSY, pinanindigan na ‘di totoong lilipat na sa GMA Network; freelancer kaya puwedeng mag-guest tulad ni XIAN
PINANINDIGAN pa rin ni Jessy Mendiola na hindi totoong lilipat siya sa GMA Network, pero dahil freelancer siya, ay pwede naman siyang mag-guest kahit saang network. Katulad last Wednesday, July 7, nag-guest siya sa Shopee 7.7 TV special at dalawa sila ng kapwa niya dating Kapamilya, si Xian Lim, sa pagho-host ng show. […]
-
Florida ready i-host ang Olympics
Handa ang Florida na saluhin ang pagtataguyod ng Olympic Games sakaling mag-backout ang Tokyo, Japan bilang host. Ipinaabot na ni Florida chief financial officer Jimmy Patronis ang intensiyon ng American state kay International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach. “To encourage you to consider relocating the 2021 Olympics from Tokyo, Japan […]