• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HTAC hugas-kamay sa nasayang na 31M COVID bakuna

NAGLABAS ng pahayag ang Health Technology Assessment Council (HTAC) matapos ibunton ni Iloilo Rep. Janet Garin ang sisi sa kanila sa nasayang na 31 milyong dose ng COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P15.6 bilyon.

 

 

Base sa pahayag ni Garin, bawat desisyon umano ng Department of Health (DOH) ay dadaan muna sa HTAC, na may ilang sitwasyon na masyadong matagal magdesisyon o magbigay ng rekomendasyon.

 

 

Dagdag ni Garin, habang ang ibang mga bansa ay nagtuturok na ng COVID-19 booster shot, ang HTAC ay hindi pa nakakapagpasya kung kailan magbibigay nito at naghihintay pa rin sa resulta ng kanilang mga clinical trial.

 

 

Depensa ng HTAC, ang pagkasayang ng mga COVID-19 vaccine ay maiuugnay sa hindi paggamit sa bakuna dahil sa pag-aalinlangan ng mga taong magpaturok, problema sa logistic, labis na pagtatantya sa pagbili dahil sa hindi naaangkop na mga pagpapalagay at hindi pagkakaunawaan ng private at public sector sa logistic mobilization.

 

 

Hindi umano hawak at kontrolado ng HTAC ang pamamahala sa naturang mga proseso katulad sa negosasyon sa pagbili ng bakuna, presyuhan nito, desisyon sa pagbili ng pribadong sektor, pagpaplano, forecasting at deployment ng mga COVID-19 vaccine.

 

 

Ang inilalabas umano nilang rekomendasyon ay nagsisilbing gabay para sa DOH at Philippine Health Insurance Corporation sa pagdedesisyong pinan¬syal sa pagbili ng mga health technology.

 

 

Binigyang-diin ng HTAC na kailanman ay hindi sila naging dahilan ng pagka-delay sa implementasyon ng booster shot.  (Daris Jose)

Other News
  • Racasa, aarangkada na ngayong taon

    NAIBULALAS ni Antonella Berthe Racasa ang saya nang pormal na tanggapin ang Antonio Siddayao trophy sa kadaraos na SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.   Kaya determinado ang 12-taong-gulang na Pinay woodpusher na mas pag-igihan pa ang kanyang kampanya sa mga lalahukang torneo ngayong 2020 upang bigyan ng […]

  • Ilang US Olympic gymnasts binatikos ang FBI sa pagbalewala sa reklamo na sexual harrasment

    Binatikos nina US Olympic gymnasts Mckayla Maroney at Simone Biles ang FBI at Justice Department dahil sa hindi nila pinaniwalaan ang kanilang sumbong na sexual harrasment laban sa dating coach na si Larry Nassar.     Sa ginawang pagdinig sa Senate Judiciary Committee sinabi ng dalawang atleta na hinayaan ng mga otoridad na maging malaya […]

  • ADVERTISING INSTALLER SINAKSAK NG KAINUMAN

    NASA malubhang kalagayan ang isang 36-anyos na advertising installer matapos saksakin ng kanyang kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.   Si Crispelito Cebreno ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Lorenzo Ruiz General Hospital bago inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito inoobserbahan […]