• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huwag i-recycle ang mga talunang kandidato noong May 2022 elections

ITO ANG apela ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kay Presidente Bongbong Marcos kasunod na rin sa pagtatapos ng one-year ban sa appointment ng natalong kandidato.

 

 

Ayon sa mambabatas, sa pagtatalaga ng pangulo ng mga bagong opisyal sa mga bakanteng posisyon ay hindi dapat dahil sa natapos na ang one-year appointment ban kund dahil sa pangangailangan na mapunan na ito ng full-time Cabinet members, kabilang na ang Department of Agriculture, na pansamantalang pinamumunuan mismo ng Chief Executive.

 

 

“I have nothing against election losers, but Cabinet and other government jobs should not be a refuge of political has-beens. There are many deserving and competent career service officers and individuals from the private sector with vast experiences,” giit nito.

 

 

Dagdag ng mambabatas, dapat itigil ng president ang nakagawiang recycling o pabuya sa mga natalong kandidato ng posisyon sa gobyerno.

 

 

Kabilang sa mga department na nangangailangan ng full-time permanent secretaries ay ang agriculture, health at national defense.

 

 

Inirekomenda nito na ang susunod na agriculture secretary ay dapat manggaling sa Mindanao, na tinaguriang bread basket ng Pilipinas. (Ara Romero)

Other News
  • EDSA @36 hitik sa panawagan vs ‘Marcos return’ sa Malacañang

    SA DINAMI-RAMI  ng mga pagkilos ngayong ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power na nagpatalsik sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr., tila ibinubuklod ang karamihan nito sa iisang panawagan — ang pagpigil sa panunumbalik ng mga Marcos sa Palasyo ngayong 2022.     Taong 1986 nang mapaalis sa Malacañang ang dating pangulo matapos ang mga protesta […]

  • MIYEMBRO NG “ONIE DRUG GROUP” 2 PA, TIMBOG SA P816-K SHABU

    TATLONG drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Onie Drug Group” ang nasakote ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ang naarestong mga susek na si Alfredo Boyose, 52, watchlisted, member ng “Onie Drug Group”, Rodrigo Diana, 42, (Watchlisted), at Joseph Sison, […]

  • Task Force El Niño, paiigtingin at muling magpupulong para talakayin ang collective action

    TINALAKAY ng mga miyembro ng Task Force El Nino, araw ng Lunes ang updates ng interbensyon para sa mga pangunahing sektor at karagdagang aksyon na kakailanganin para paigtingin ang pagsisikap laban sa epekto ng phenomenon at tiyakin ang kahandaan ng bansa lalo na sa mga lalawigan na kasalukuyang apektado ng El Nino.     Base […]