• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huwag magpasilaw sa popularidad ng mga kandidato, payo ng mga opisyal ng simbahan sa mga botante

KARAPATANG pumili ng mga lider pahalagahan…huwag magpasilaw sa popularidad ng kandidato, apela ng mga lider ng simbahan sa mga botante.

 

 

Umaapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan lalo na sa mga botante na pahalagahan ang karapatang pumili ng mga lider ng bansa.

 

Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng election season matapos ang filing of candidacy ng mga naghahangad kumandidato sa 2025 Midterm National and Local Elections.

 

Ayon kay Bishop Uy, ang halalan ang natatanging paraan upang pumili ng mga karapat-adpat na lider na kayang paglingkuran ang interes ng mamamayan sa halip na tutukan ang korapsyon at iba pang uri ng katiwalian sa paninilbihan.

 

 

“Our vote is sacred. We will use it to choose leaders who are godly and competent,” mensahe ni Bishop Uy sa Radio Veritas.

 

 

Aktibong nakibahagi si Bishop Uy sa paghahanda sa halalan sa susunod na taon sa pamamagitan ng online voters’ education gamit ang kanyang social media platforms at suporta rin sa inilunsad na END Vote Buying Movement.

 

Apela ng obispo lalo na sa mga magulang na maging mabuting halimbawa sa kabataan sa pamamagitan ng hindi pagtanggap ng anumang uri ng suhol mula sa mga kandidato sa halalan.

 

 

“For parents who are thinking of accepting bribes from candidates…setting a bad example for your children is very displeasing in the eyes of God,” dagdag pa ni Bishop Uy.

 

Ang End Vote Buying Movement ay inorganisa nina Lily Flordelis kasama sina retired General Edgardo Ingking at Fr. Jingboy Saco ng Diocese of Tagbilaran.

 

Ito rin ang panawagan sa 1 Godly Vote campaign ng Radio Veritas at Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila bilang hakbang ng simbahan sa kampanyang malinis at matapat na halalan.

 

Ipinaliwanag ni Veritasan Host Fr. Jerome Secillano na layunin ng OneGodly vote na maging malinaw sa mahigit 60-milyong botante sa bansa ang wastong pagpili ng mga lider ng lipunan.

 

“It is a campaign for the voters to take seriously the elections. Gawin natin na yung pagpipili natin ng mga kandidato ay isang maka-Diyos,” pahayag ni Fr. Secillano.

 

Sinabi ni Fr. Secillano na dapat makita ng mga botante na ang mga ihahalal na lider ay may tunay na hangaring paglingkuran ang mamamayan at magbibigay prayoridad sa pangkalahatang pag-unlad ng bayan.

 

 

Nananawagan naman sa mga botante ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity na huwag magpasilaw sa popularidad ng sinumang kandidato sa 2025 Midterm Elections.

 

Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Bro. Francisco Xavier Padilla, bilang paghahanda sa halalan sa susunod na taon ay mahalagang maging bukas ang mata at isipan ng bawat mamamayan kaugnay sa tunay na hangarin ng mga kandidato sa pagtakbo sa nakatakdang halalan.

 

 

Hinimok ni Padilla ang mga botante na alamin at suriin ang planong gawin ng mga kandidato para sa kapakanan ng taumbayan sa pamamagitan ng kanilang posisyon nais na paglingkuran.

 

Ipinaliwanag ni Padilla na dapat ding alamin ng mga botante kung ano na ang mga nagawa ng mga kandidato para sa kapakanan ng kanilang kapwa hindi lamang sa pamamagitan ng serbisyo publiko kundi maging sa kanilang personal na kapasidad.

 

“Bilang paghahanda sa darating ng eleksyon, kailangan natin buksan ang mga mata’t isipan natin. Wag tayo masilaw sa artista, social media personality, political family, ayuda…. Dapat tignan natin kung ano ang gusto nilang gawin para sa Pilipinas o Distrito o City natin. And tignan din natin ano mga nagawa na nila, whether sa public service o sa sarili nilang kakayanan.” Bahagi ng pahayag ni Padilla sa Radio Veritas.

 

 

Iginiit ni Padilla na dapat na maging matalino at isantabi ng bawat botante ang popularidad ng mga kandidato sa pagpili ng mga karapat-dapat na ihalal sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

 

 

Apela ni Padilla na nawa ay mailulok sa katungkulan ang mga kandidato na may tunay at dalisay na pagnanais na maglingkod ng tapat para sa kabutihan at kapakanan ng bansa lalo’t higit ng taumbayan.

 

“Minsan kasi nasisilaw tayo sa popularidad, pero tayo din nagrereklamo pagkatapos ng ilang buwan na wala naman sila ginagawa. God bless our candidates and may the one who has the heart of service for the Philippines win!” Dagdag pa ni Padilla.

 

 

Sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) umabot sa 374 ang mga naghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) at certificates of nomination – certificates of acceptance of nomination (CON-CAN) para sa senatorial at party-list race para sa nalalapit na halalan kung saan 184 ang bilang ng mga naghain ng COCs sa pagka-senador, habang 190 naman sa hanay ng mga partylist na pawang binubuo ng ilang mga dati ng pulitiko, artista, at maging mga social media personality.

 

 

Batay sa tala ng COMELEC nasa 18,280 na posisyon ang pagbobotohan sa darating na 2025 Midterm Elections, kabilang ang 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

Other News
  • Special Education Learners sa Navotas, binigyan ng tablets

    NAKATANGGAP mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga tablets ang aabot sa 312 tablets para sa Learners with Special Education Needs (LSENs) na mga residinte ng lungsod.       Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay mula sa pondo ng Gender and Development (GAD) ng lungsod.       Maliban sa mga […]

  • ANIME-ZING NOVEMBER AT THE CINEMAS

    DEVOTED anime fans and film enthusiasts can look forward to a jampacked November with the successive release of anime films along with a live-action Japanese film best seen and experienced at the cinemas.      “The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes” leads two young people to Urashima Tunnel, a mysterious tunnel that can […]

  • DAYUHAN NA MAY EMPLOYEER SA BANSA, PAPAYAGAN NA

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na kasalukuyang nasa kanilang bansa na tinanggap na magtrabaho dito sa Pilipinas ng kanilang employeer ay papayagan nang mag-pre-apply ng kanilang work visa bago pumasok ng bansa.   Ito ang sinabi ni  Immigration Commissioner Jaime Morente kung saan nag-isyu siya ng operation order na […]