Huwag nang hintayin pa ang ‘last minute’
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
UMAPELA ang pamahalaan sa mga motorista na huwag nang hintayin pa ang “last minute” para makakuha ng radio frequency identification (RFID) stickers at maipakabit sa kanilang sasakyan.
Bahagi ito ng paghahanda para sa cashless scheme sa mga major toll roads simula sa Disyembre.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na iniurong ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsisimula ng cashless toll collection mula sa dating Nobyembre 2 at ginawang Disyembre 1 para payagan ang mga motorista na makapag-comply sa mga requirement.
Sa halip na manual cash transactions, ang RFID system ay naglalayong payagan ang electronic payment sa mga tolls sa oras na dumaan na ang sasakyan sa pamamagitan ng toll plaza.
Maaaring i-load o i-top ng motorista ang kanyang RFID account sa toll booths at iba pang online payment facilities.
“Paalala ko sa ating mga kababayan, iwasan natin iyong nakasanayan na kung kailan ilang araw na lang bago ang deadline ay saka tayo dudumog sa mga installation sites ,” ayon kay Sec. Roque.
“Habang maaga pa po ay magpakabit na tayo ng RFID upang maiwasan ang last minute na transaction ,” dagdag na pahayag nito.
Tiniyak ni Sec. Roque na hindi na maaantala ng pamahalaan ang implementasyon ng cashless mode of payment sa expressways.
“Huling hirit na po ang exten- sion na ito. Simula December 1 ay mahigpit na pong ipatutupad ang full cashless transactions sa ating mga toll roads,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Sa ulat, pinalawig ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) ng hanggang Disyembre ang full implementation ng cashless toll collections sa mga toll roads sa bansa.
Tugon ito sa panawagan ng mga motorista, na hanggang ngayon ay wala pa ring RFID stickers sa kanilang sasakyan.
Ayon sa DOTr, ang naturang ekstensyon ay nangangahulugan na ang Department Order 2020- 012 na nagmamandato ng cashless mode of payment o 100% paggamit ng electronic payment systems sa mga expresways, ay magsisimulang ipatupad sa Disyembre 1, mula sa dating schedule na Nobyembre 2.
“So huwag po kayong mag- panic. Binigyan po tayo nang mas mahabang panahon para magpakabit ng RFID. Ito ay upang bigyan ng konsiderasyon ang mga kababayan natin na hindi pa rin nakakapag-install ng RFID sa kanilang mga sasakyan,” ayon kay Sec. Roque.
Paglilinaw naman ng DOTr, non-extendible na ang naturang petsa.
“With the extension, this means that the full implementation of the department order mandating only the cashless mode of payment, or the 100% use of electronic payment systems, in expressways will start on December 1. The deadline will no longer be extended beyond this date,” anang DOTr.
Ayon naman kay Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Abraham Sales, pinayagan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang ekstensiyon upang mabigyan ng mas mahabang pagkakataon ang mga motorista, para makapagpakabit ng RFID, at tumalima sa department order.
Una nang ipinag-utos ng DOTr ang implementasyon ng cashless transaction sa toll roads upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19, gayundin ang traffic congestion sa mga toll plazas.
Ang mga motorista na mabibigong sumunod sa mandato ay huhulihin at iisyuhan ng citation ticket.
Samantala, pinaalalahanan naman ni DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor ang mga motorista na samantalahin ang extended deadline sa pagpapalagay ng RFIDs sa kanilang mga sasakyan, sa lalong madaling panahon.
“Iwasan natin ‘yung kung kailan isang linggo na lang, tsaka tayo magmamadaling magpunta sa installation sites para magpakabit ng RFID. Now, we are extending the deadline to give further consideration. Let us use the extension wisely,” ani Pastor. (Daris Jose)
-
VP Robredo handang magbigay ng ‘legal assistance’
MULING kinastigo ni 2022 presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo ang mga nag-uugnay sa kanya at kanyang mga tagasuporta sa armadong rebelyong komunista, dahilan para maitulak ang kanyang kampong ipagtanggol ang mga tagasuporta kung magkagipitan sa otoridad. “Kaisa ako ng mga volunteers natin na tumitindig para sa katotohanan at pag-asa; na nalalagay […]
-
LTFRB binalaan ang mga operators at drivers ng EDSA Carousel buses na tumatangap ng bayad
BINALAAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga kumpanya ng EDSA Carousel na sumisingil ng bayad sa mga pasahero at kung saan pinaalalahanan din ang mga pasahero na libre ang sakay round the clock sa buong buwan ng December. Nilinaw ng LTFRB ang tungkol sa issue dahil sa mga nakakarating […]
-
Drug stores dinadagsa, paracetamol nauubos
Patuloy na dinadagsa ng publiko ang mga drugstores sa bansa na nagresulta ngayon ng pagkaubos ng paracetamol at iba pang gamot para sa lagnat, trangkaso, ubo at sipon na nauuso ngayong Enero. Sa kabila nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng paracetamol at iba pang […]