IATF, NHA namahagi ng 672 housing units sa Capiz – Nograles
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasama ang national and local officials ang 14th virtual turnover ceremony ng Yolanda housing units, sa pagkakataong ito ay sa bayan ng Ivisan, Capiz noong Nobyembre 17, 2020 sa ilalim ng pangangasiwa ng Yolanda Permanent Housing Project sa Rehiyon 6.
Si Nograles, ang namumuno sa Inter-Agency Task Force for the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Projects and Programs in Yolanda-affected Areas.
Sa kanyang online message, pinasalamatan ni Nograles ang LGU at mga katuwang na ahensya para sa kanilang kooperasyon at commitment sa pagtiyak para sa napapanahong pagkumpleto ng mahalagang legacy project ng administrasyong Duterte.
“Isang karangalan para sa akin na makasama kayo sa turn-over na ito. Ibinibigay natin ang buong papuri sa mga opisyal ng LGU na pinangungunahan ni Mayor Felipe Neri Yap at Vice Mayor Bito Delos Santos kasama ang lahat ng kanilang mga lokal na opisyal at kawani. Ang pagkumpleto ng Yolanda Housing Project na ito ay kapansin-pansin na nagawa natin sa gitna ng kasagsagan ng Covid-19 pandemic at mayroon tayong iba pang mga deadline sa pabahay upang matugunan,” pahayag ng opisyal ng Malacañang.
“Ipinaabot din natin ang espesyal na pagbanggit sa inspiring leadership ni NHA General Manager Marcelino Escalada, Regional Manager Engr. Antonio Del Rosario at District Manager Dominica San Diego na lahat ay nagpamalas ng focus at determinasyon na masiyasat ang proyekto hanggang sa matapos ito. Karapat-dapat silang bigyan ng komendasyon sa kanilang pagiging totoo at dedicated public servants.”
Batay sa numero ng NHA, as of October 2020, sa nakaplanong 123,535 na housing units para sa Region 6, nakumpleto nang ipatayo ang 89,491 units, samantalang ang natitirang 22,869 units ay nasa iba’t ibang estado na ng konstruksyon.
“Inaasahan natin na ang turnover na ito ay magpapagaan sa mga alalahanin ng mga taga-Capiz, lalo na’t nasa panahon pa tayo ng bagyo. Ang mga beneficiaries ay mas mapangalagaan mula sa mga pagsusungit sa panahon. Natapos na ang ilang taong paghihintay nila para sa kanilang bago at libreng bahay na kanilang titirhan,” ayon sa Kalihim ng Gabinete.
Sa bahagi ni Mayor Yap, pinasalamatan niya ang Pangulo, Nograles at ang NHA sa “maayos na pagtupad sa pangako ng gobyerno na i-rehabilitate ang mga naapektuhan ng Yolanda ilang taon na ang nakakalipas. Pahahalagahan ito ng mga benepisyaryo at aalagaan ang tulong ng gobyerno sa kanila habambuhay.”
Tinapos ni Nograles ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagtiyak sa mga taong apektado ng Yolanda na “Gagampanan namin ang lahat ng aming mga pangako sa pabahay. Ang hangarin lamang namin ay magtayo ang mga beneficiaries ng isang matatag na pamayanan sa palibot ng housing units at gawin nilang matibay na pundasyon ng pagmamahal at support centered on Filipino family.” (Daris Jose)
-
“SONIC THE HEDGEHOG 3” SCORES 96% AUDIENCE RATING, IN PH CINEMAS JANUARY 15
Moviegoers have spoken, and they love Sonic the Hedgehog 3! The latest big-screen adventure of Team Sonic has earned a 96% audience rating on Rotten Tomatoes. The film, which opened in the US December 20, has so far earned upwards of $230 million at the global box office. It opens in Philippine cinemas January 15. Reviews […]
-
Tulong ng gobyerno sa mga biktima ng bagyo umabot na sa P1-B — NDRRMC
UMABOT na sa kabuuang P1.1 billion ang halaga ng tulong na naihatid ng gobyerno para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Kasama sa naipamahagi ay ang mga pagkain at non-food items na pinangunahan ng mga ahensya ng gobyerno kagaya ng […]
-
38 lugar tinukoy na ‘hotspot’ sa 2025 elections
UMAABOT na sa 38 na lugar sa bansa ang itinuturing ng Department of Interior and Local Government (DILG) na election hotspots. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary na sa naturang bilang, 27 ang nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. Ayon kay Remulla, […]