IATF, pinag-uusapan na ang pagbabalik operasyon ng mga provincial buses ngayong buwan
- Published on September 23, 2020
- by @peoplesbalita
MALAKI ang posibilidad na magbalik na ang operasyon ng mga provincial buses bago matapos ang buwang kasalukuyan.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy na ang isinasagawang pagtalakay ng IATF upang masigurong maipatutupad ng maayos ang mga health protocols sa pagbabalik ng operasyon ng mga provincial buses.
Kaugnay nito, suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbabalik operasyon ng mga provincial buses.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, pabor silang payagan nang muling bumiyahe ang mga provincial bus basta’t mailatag lamang ang mga kondisyon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Aniya, dapat ay kontrolado ang pagbiyahe ng mga ito at matiyak na mahigpit na ipinatutupad ang minimum health standard sa lahat ng oras.
Dapat din umanong ma-monitor ang ruta ng mga biyahe nito lalo na ang mga mula sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine hanggang modified GCQ areas kung saan dapat na maging mas mahigpit ang ipinatutupad na health protocols.
Napag-alaman na noong Miyerkules, inanunsyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) Board Chairperson Martin Delgra na posible nang buksan ang mga ruta ng mga bus mula Metro Manila patungo sa mga kalapit na lalawigan. (Daris Jose)
-
MPD NAG-INSPEKSIYON SA SEMENTERYO SA LUNGSOD
NAGSAGAWA ng inspeksyon na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa papalapit na Undas. Ayon kay MPD Director Brig.General Andre Dizon, ilalatag ang paghahanda sa seguridad pero kailangan pa ring may paghihigpit dahil nasa gitna pa ng pandemya. Una nang sinabi ni Dizon […]
-
15,331 kabataang Bulakenyo, tumanggap ng tulong pinansyal
LUNGSOD NG MALOLOS – Hanggang Agosto 20, 2021, may kabuuang 15,331 Bulakenyong iskolar ang tumanggap ng kanilang scholarship grant mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa ilalim ng Tulong Pang-Edukasyon Gabay ng Bagong Henerasyon Scholarship Program. Kabilang sa mga benepisyaryo ng nasabing iskolarsyip para sa 2020-2021 1st sem ay ang 3,707 […]
-
12.2 milyong Pinoy, jobless sa first quarter ng 2021 – SWS
Tinatayang 12.2 milyong Pinoy ang walang trabaho sa unang quarter ng 2021 sa panahong nararanasan ng bansa ang pandemic. Batay sa SWS survey, 25.8 percent ng adult labor force ay nananatiling walang trabaho pero mas mababa ng may 1.5 percent mula sa 27.3% o 12.7 milyong Pinoy na jobless noong huling quarter ng […]