• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibang transport groups nagbuklod laban sa darating na transport strike

MARAMING transport groups ang nagbuklod upang suportahan ang pamahalaan laban sa darating na transport strike sa July 24 kasabay ang ikalawang State of the Nation Address ni President Ferdinand Marcos, Jr.

 

 

 

Ang pinakamalaking grupo at pinakamatagal ng transport group sa hanay ng 12 transport groups, ang Pasang Masda, ang nagsabing hindi sila mahihikayat ng posisyon ng MANIBELA, ang transport group na siyang mangunguna sa darating na transport strike.

 

 

 

Nag anunsyo ang MANIBELA na magkakaron sila ng 3-day nationwide transport strike o “tigil-pasada” upang mahinto ang operasyon ng public utility jeepneys (PUJs) sa mga kalsada sa July 24-26.

 

 

 

Sa isang press conference na ginawa ng Pasang Masda kasama rin si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III kung saan sinabi ng huli na handa sila na manghuli ng jeepney units na lalahok sa nasabing transport strike.

 

 

 

Ayo naman kay Pasang Masda president Obet Martin na hindi sila matitinag ng isang tao lamang ang kanilang grupo kung saan ang tinutukoy ay si Mr. Mar Valbuena ng MANIBELA.

 

 

 

May tatlong key areas sa Metro Manila kung saan ang MANIBELA ay magsasagawa ng transport strike. Ang LTFRB naman ay tiwala na ang gagawing transport strike ay hindi magtatagumpay na gawing paralisado ang mga lansangan sa Metro Manila sapagkat karamihan sa mga transport groups ay hindi lalahok.

 

 

 

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na lagi silang bukas sa paguusap kasama ang sektor ng jeepney.

 

 

 

“We don’t want tigil-pasada that’s why we are continuously conducting a dialogue between our office and the officers of all transport groups. In fact, we had a meeting with two transport leaders and we discussed the issues surrounding their worries and concerns,” wika ni Bautista.

 

 

 

Ayon kay Bautista, ang Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan ay isang proyektong kumplikado at hindi madaling ipatupad kung kaya’t kailangan ang pag-uusap at dapat ay maintindihan nila ang posisyon ng pamahalaan at the same time ay kailangan din na maprotektuhan ang kabuhayan ng mga drivers at operators. Kailangan din na suriin ang kailangan ng mga mananakay o pasahero na maaapektuhan ng programa.

 

 

 

Sinabi naman ni Valbuena na ayaw nila ng iisang prankisa lamang. Ang gusto nila ay nakapangalan pa rin sa mga operator ang prankisa dahil ayon sa kanya na sa consolidation ay maaari ka na lang tangalin kapag napag initan ka ng opisyales o di kaya naman ay mag hariharian ang isang chairman ng kooperatiba. Pag nagkagaon, ang isang operator o driver ay walang magagawa dahil hind naman nakapangalan sa kanila ang prangkisa.

 

 

 

Sa kabilang dako naman ay pinahayag ni Guadiz na ang pamahalaan ay may planong magbigay ng financial aid sa sektor ng jeepney sa darating na taon pagkatapos ng dealine sa consolidation ng PUV modernization program.

 

 

 

Ayon kay Guadiz ay kailangan mag consolidate hanggang sa darating na Dec. 31 lamang kung saan ito ang deadline upang sila ay mabigyan ng financial aid. Ang financial aid ay ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga PUV jeepneys.  LASACMAR

Other News
  • Maharlika Wealth Fund pirmado na ni Pangulong Marcos

    NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes ang Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 sa Malacañang, kung saan inilagay ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas na susuporta sa mga layunin sa ekonomiya ng Administrasyon.     “Ang MIF ay isang matapang na hakbang tungo sa makabuluhang pagbabago ng ekonomiya ng […]

  • Isa sa kambal na anak ni football star Ronaldo pumanaw

    MALUNGKOT na ipinaalam ni Manchester United footballer Cristiano Ronaldo at partner nitong si Georgina Rodriguez ang pagpanaw ng kanilang anak na lalaki.     Sa kanyang social media account ay inanunsiyo ng 37-anyos na Portugal na si Ronaldo at 28-anyos na si Rodriguez ang nasabing balita.     Inaasahan kasi nila na kambal ang anak […]

  • Ads February 8, 2023