Iba’t ibang pigura ng mga nasawi at nawawala, naitala dahil sa bagyo… Bagsik ni Ulysess
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA ang NDRRMC ng 69 (as of Nov. 16 death toll) na kataong namatay bilang resulta ng pananalasa ng bagyong Ulysses.
Bitbit ng bagyong Ulysses ang malakas na hangin at matinding buhos ng ulan na siya namang nagpaalala sa maraming residente ng Luzon ng 2009’s Tropical Storm Ondoy.
Sa isang press briefing, nagbigay ang mga Cabinet officials ng iba’t ibang pigura pagdating sa numero ng mga namatay.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na 14 katao na namatay ang “LGU-verified.”
Gayunman, sinabi ng NDRMMC, na maliban sa 69 na namatay ay may naiulat na 12 katao naman ang nawawala dahil sa bagyong Ulysses.
Sa ulat, napanatili naman ng bagyong Ulysses, ang pang-21 bagyong tumama sa bansa ngayong taon, ang kanyang lakas nang makarating ito sa West Philippine Sea umaga ng Huwebes matapos manalanta sa Luzon.
Makararanas ng mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang mabigat na pag-ulan ang ilang parte ng Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon, ayon sa huling weather bulletin ng PAG-ASA.
Sa kabilang dako, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na 38,500 katao ang nasagip o na-rescue.
Samantala, nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na tatlong pang tropical cyclones ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), bago matapos ang 2020.
Ito’y matapos ang sunud-sunod na bagyo na tumama sa Pilipinas sa loob ng buwang ito.
Ayon sa Pagasa, hindi paman kumakalahati ang buwan ng Nobyembre ay tatlong bagyo na ang nanalasa sa bansa.
Samantala, umakyat na sa 428,657 pamilya o 1,755,224 indibidwal na naninirahan sa 4,543 barangay mula sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR) ang apektado ng nanalasang bagyong Ulysses, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa naturang datos, 85,357 pamilya o 324,617 indibidwal ang naninirahan sa 2,991 evacuation centers habang nasa 52,574 pamilya o 231,701 indibidwal ang nasa labas.
Kasalukuyang patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga donation drive at pag-rescue ng mga ahensya sa Pilipinas upang matugunan ang iba pang pangangailangan. (Daris Jose)
-
UPANG lalo pang palakasin ang kanilang mga programa sa sports
UPANG lalo pang palakasin ang kanilang mga programa sa sports, pumirma ng memorandum of understanding (MOU) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco kasama ang Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) na kinakatawan nina Dr. Jerome Porto, chairperson ng UST Institute of Physical Education and Athletics (IPEA), at Asst. Prof. Marcelita […]
-
Men’s Football team ng bansa tiwalang magtatagumpay sa kanilang pagsabak sa Mitsubishi Electric Cup
TIWALA ang Philippine Football Federation (PFF) na magiging matagumpay ang men’s football team ng nating bansa ilang araw bago ang pagsisimula ng Mitsubishi Electric Cup. Sinabi ni Philippine Football Federation (PFF) director for national teams Freddy Gonzales, na matapos ang paglabas ng pangalan ng 26 line-up para torneo ay agad silang nagsimulang […]
-
PBBM, hiniling sa Kongreso ang agarang pagpapasa sa 2024 General Appropriations Bill
SINERTIPIKAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang urgent ang House Bill No. 8980, o Fiscal Year 2024 General Appropriations Bill. Layon nito na tiyakin na mapopondohan ang iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno sa susunod na taon. “Pursuant to the provisions of Article VI, Section 26 (2) of the […]