• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

’Ibigay ang buong suporta kay incoming PNP chief Lt.Gen. Carlos’

Nanawagan si outgoing PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP na magkaisa sa likod ng magiging susunod na PNP Chief na si Lt.Gen. Dionardo Carlos.

 

 

Ayon kay Eleazar, taglay ni Carlos ang lahat ng qualification para sa pinaka mataas na posisyon sa PNP at nakita ng Pangulo sa kaniya ang lahat ng criteria.

 

 

Binati ni Eleazar si Carlos sa kaniyang promosyon kasabay ng pag-alok ng anumang maitutulong niya bilang dating hepe ng PNP.

 

 

 

“The President has decided, now is the perfect time for the PNP to express our unity and solidarity behind the chain of command as we welcome a new leader who will ensure continuity of command in our organization,” pahayag ni Gen. Eleazar.

 

 

Sinabi ni Eleazar na bilang kanyang Chief, Directorial Staff, si Lt. Gen. Carlos ang naging instrumento ng pagsulong ng Intensified Cleanliness Policy sa PNP.

 

 

Si Eleazar ay bababa sa pwesto ngayong Biyernes, Nobyembre 12, isang araw na mas-maaga sa kanyang mandatory retirement sa Sabado pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.

 

 

“The mission ahead is as huge as the responsibility that rests on the shoulders of General Carlos. I wish him all the best in the new post even as I offer myself in my humble capacity as a retired PNP Chief in whatever assistance I can provide,” dagdag pa ni Eleazar. (Gene Adsuara)

Other News
  • Kai Sotto posibleng sa susunod pa na taon makakasama ng Gilas Pilipinas

    HINDI makakasama ng Gilias Pilipinas si Kai Sotto sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula sa Pebrero 24.     Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na mayroong pang mga commitment ang 19-anyos na si Sotto sa Australia kung saan naglalaro ito bilang import ng Adelaide 36ers sa National […]

  • Tulak timbog sa P122K shabu sa Malabon

    Isang listed drug pusher ang arestado matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29 ng Kaingin II St. […]

  • Pinas, naiwasan ang bagong Covid-19 surge dahil sa vax, pagsunod sa protocol – PDu30

    NAIWASAN ng Pilipinas ang panibagong surge ng Covid-19 cases sa pamamagitan ng nagpapatuloy na Covid-19 vaccinations at pagsunod sa minimum public health standards.     Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.     “If I were to judge myself, the one single thing that […]