• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibinahagi ang mga gustong i-delete sa past niya: NADINE, nag-react sa naging komento nang nagpakilalang ‘motivational speaker’

HINDI nga pinalampas ni Nadine Lustre ang mga komento ni Rendon Labador na nagpakilalang motivational speaker, matapos ungkatin ng ilang netizens ang lumang interview sa kanya ni Edward Barber.

 

Isang simpleng ‘grimace emoji’ ang tugon ni Nadine nang i-retweet niya ang screenshots ng comment ni Rendon.

 

 

Isang Twitter user ang nagbahagi rin ng screenshot,

 

“Ganito na pala mga motivational speakers ngayon no? Nangti-threaten manakit ng babae, pati yung mga followers inuurge pa niya na manakit. yikes
@RendonLabador
“APOLOGIZE TO NADINE @hello_nadine.”

 

Say naman ni Renton, Nadine Lustre Huwag kang masaktan sa #SampalNgKatotohanan sinabi ko lang yung napansin ko sayo, gusto ko lang mag improve ka #StayMotivated.”
 
Sa lumang interview, sinabi nga ni Nadine ang saloobin tungkol sa kung paano siya makitungo sa publiko. Nilinaw din niya na walang kinalaman ang video niya sa isyung kinakasangkutan ng mga volleyball players kamakailan na diumano’y hindi namansin ng fan.
Say pa ng award-winning actress, dapat ay panoorin muna ang kabuuan ng video bago pa magbigay ng opinyon.
Samantala, inamin ni Nadine sa presscon ng ‘Deleter’ na entry ng Viva Films sa MMFF 2022, na kung may gusto man siyang i-delete sa past niya ang pagiging gastadora niya noong bata pa siya.
Lalo na pag naiisip na ngayon kung bakit kailangan niyang mag-spend ng malaki pag gumigimik sila kasama ang barkada, parang sayang talaga ang pera na kanyang pinaghirapan.
Pero may isa pang ni-reveal ni Nadine na gusto rin niyang i-delete na pinagsisisihan din na ginawa niya noong bata-bata pa siya.
“‘Yung hindi ko pag-alaga sa sarili ko.  ‘Yun hindi po ako natutulog, tapos puro junk foods ang kinakain ko. Marami kasing times na, especially recently, na sana pala mas inalagaan ko ang sarili ko.
“Sana mas natulog pa ako.  Kasi nakaapekto sa body ako, nagkakasakit na ako, pero hindi naman serious.
“Pero napi-feel na kasi ngayon, na sana pala tinake advantage ko noong malakas pa ang katawan ko at mas inalagaan ko pa siya.”
Kasama rin sa ‘Deleter’ sina Jeffrey Hidalgo, McCoy de Leon at Louise delos Reyes, ang nag-iisang horror movie sa December 25, kaya maraming nagsasabi na magiging blockbuster ito.
Malaking pressure din kay Nadine na expectation ng manonood na pam-Best Actress ang performance niya sa ‘Deleter’ na mula sa mahusay na direksyon ni Mikhail Red.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 2 nalambat sa P170K shabu sa Navotas

    Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasbas ang naarestong mga suspek na si Jaymar Marquez, 28 ng Inocencio St. Tondo at […]

  • May tsikang nagkalabuan na rin sila ni Paulo: KIM, balitang inisnab si JANINE at si JANELLA ang bineso-beso

    AS of press time ay palabas na ng hospital si Senator Bong Revilla  after sumailalim sa isang operasyon ng Achilles tendon sa kanang paa niya.   Siyempre, nalungkot si Sen. Bong at kahit pinayagan na siyang maka labas ay need pa ring ipahinga ang katawan ng tatlong buwan. huh!   Kaya apektado ang nasimulan niyang […]

  • NORA, humihingi ng tawad dahil maraming pagkukulang sa pumanaw na kaibigang producer/director

    NAGLULUKSA ang Philippine Television industry dahil sa pagpanaw ng TV icon na si Kitchie Benedicto.     Pumanaw ang producer-director na si Benedicto noong nakaraang August 4 sa edad na 74. Sa kanyang tahanan sa Pasay City pumanaw si Benedicto ayon sa kanyang son-in-law na si Negros Occidental Vice Governor Jeffrey P. Ferrer.     […]