• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ICC, walang hurisdiksyon sa Pinas; hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon- PBBM

MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas at hndi rin makikipagtulungan ang kanyang gobyerno sa imbestigasyon ng ICC sa “war on drugs” ng nakalipas na administrasyon.

 

 

Hiningan kasi ng paglilinaw ang Pangulo sa napaulat na nasa Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC at kung pinayagan ng gobyerno na makapasok ang mga ito sa bansa at kung makikipagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon ng ICC ukol sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

 

 

“Let me say this for the 100th time. I do not recognize the jurisdiction of ICC in the Philippines. I do not, I consider it as a threat to our sovereignty. The Philippine government will not lift a finger to help any investigation that the ICC conducts,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang media interview kasunod ng isang event sa Quezon City.

 

 

“However, as ordinary people, they can come and visit the Philippines pero hindi kami tutulong sa kanila. In fact, binabantayan namin sila, making sure that hindi sila— that they do not come into contact with any agency of government,” dagdag na wika nito.

 

 

At kung ang ICC ay kumokontak sa mga ahensiya ng gobyerno gaya ng police personnel at local government, sinabi ng Pangulo na inatasan niya ang mga ito na huwag makipagtulungan sa mga kinatawan ng international body.

 

 

“Huwag niyong sasagutin, ‘yun ang sagot natin. That we don’t recognize your jurisdiction, therefore, we will not assist in any way, shape or form, any of the investigations ICC is doing here in the Philippines,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Matatandaang, pinahintulutan ng International Criminal Court ang hiling ng Prosekusyon na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa madugong drug war sa bansa.

 

 

Ayon sa pahayag na inilabas ng ICC Pre-Trial Chamber noong January 26, 2023 sinabi ng korte na hindi sila kumbinsido na seryoso ang gobyerno ng Pilipinas na imbestigahan ang mga patayang naganap sa “war on drugs”.

 

 

Napaulat naman na nagsagawa ng pagsusuri sa giyera kontra sa droga ang Department of Justice sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at sa pamumuno ng noo’y justice secretary at ngayo’y solicitor general, Menardo Guevarra.

 

 

Hiniling din noon ng gobyerno na itigil na ng ICC ang imbestigasyon dahil may kakayahan naman daw itong magsagawa ng sariling pagsisiyasat at pagsasampa ng kaso.

 

 

Dahil dito, pansamantalang ipinahinto ng ICC ang kanilang imbestigasyon noong Nobyembre 2021 subalit ayon sa ICC- matapos nilang suriin ang mga ebidensya mula sa Philippine Government, ICC Prosecutor at obserbasyon ng mga biktima- hindi sapat at hindi kongkreto ang mga ginawa ng gobyerno ng Pilipinas kaya ipinag-utos nila ang muling paggulong ng imbestigasyon. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM sa petisyon sa SC laban sa 2025 budget, bahagi ng destabilisasyon

    BAHAGI ng destabilisasyon o i-destabilize ang gobyerno ang hakbang na hamunin ang ‘constitutionality’ ng 2025 General Appropriations Act (GAA) sa Korte Suprema. Sa ambush interview kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng pagpapasinaya sa Mactan-Cebu International Airport Alternate Runway, inamin ng Chief Executive na “no contingency plan” ang nakahanda sakali’t katigan ng Korte Suprema […]

  • DoF, maingat sa pag- utang ng gobyerno sa gitna ng pandemiya

    TINIYAK ng Malakanyang na maingat ang pamahalaan sa ginagawa nitong pag- utang sa mga local at foreign resources.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, masusing pinag-aaralan ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez ang pag- utang ng pamahalaan lalo’t may pinapangalagaang reputasyon ang bansa na may kinalaman sa pag-utang nito.   Ito ayon kay […]

  • Acclaimed Director John Woo and Joel Kinnaman Team Up in a Gripping Quest for Revenge in ‘Silent Night’

    THE legendary Hong Kong action-thriller director John Woo is finally making movie magic again with Silent Night, set to premiere in Philippine cinemas on November 29.     This film marks Woo’s much-anticipated return to the Hollywood scene after a two-decade hiatus, in collaboration with producer Basil Iwanyk, known for explosive blockbusters like the ‘Expendables’ […]