• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ICC, walang hurisdiksyon sa PInas- Panelo

NANINDIGAN ang Malakanyang na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.

 

Ang katuwiran ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo, matagal ng kumalas ang bansa mula sa Rome Statute.

 

Tugon rin ito ni Panelo sa naging desisyon ng ICC na payagan ang imbestigasyon sa nangyaring pagpatay na kinalaman sa war on drugs sa bansa.

 

“Nilalabag nila ang ating karapatan, that’s interference into our domestic affairs,” ayon kay Sec. Panelo.

 

Matatandaang, opisyal na kumalas ang Pilipinas mula saRome Statute — tratado na nagtatag sa ICC — noong Marso 17, 2019.

 

Sa isang kalatas, sinabi ng ICC na pinayagan ng Pre-Trial Chamber 1 ang naging kahilingan ni dating Prosecutor Fatou Bensouda noong Hunyo 14 na imbestigahan ang krimen ng di umano’y nangyari sa Pilipinas sa pagitan ng Nobyembre 2011 at Marso 16 2019 sa tinatawag na ‘war on drugs’ campaign.”

 

Sinabi ng ICC na ang “specific legal element of crime against humanity of murder” ay sinasabing di umano’y nakita sa war on drugs sa panahon ng mula Hulyo 1, 2016 —isang araw matapos na manumpa sa tungkulin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang chief executive — hanggang Marso 16, 2019, isang araw bago pormal na kumalas ang bansa sa Rome Statute.

 

Giit ni Panelo, makapagsasagawa lamang ang ICC ng imbestigasyon kung ang estado ay walang gumaganang judicial system kung saan hindi aplikable sa Pilipinas.

 

“‘Yung ating bansa, napakalusog ng judicial system. Alam natin na lahat ng mga kaso na hinahain napo-prosecute, meron tayong process na sinusunod,” anito.

 

“At kung willing man ay wala silang kakayahang mag-prosecute,” dagdag na pahayag ni Panelo.

 

Aniya pa, hindi naman mapipilit ng Rome Statute ang PIlipinas dahil ” it was not published in the Philippine government publication.”

 

“Yang Rome Statute, ever since that is not enforceable because from the very beginning hindi yan lumabas sa Official Gazette. And our civil law requires public case on the penal law or any law on the Official Gazette bago ito ipatutupad. Hindi nangyari yan,” ani Panelo.

 

Kaya nga, para kay Panelo ay wala namang bago sa “latest development” na ito kaugnay sa ICC.

 

“Hindi naman bago yan, talagang ever since pinagpipilitan nila ,” aniya pa rin.

Other News
  • Sa mga business ventures niya: YSABEL, naa-appreciate ang walang humpay na suporta ni MIGUEL

    ISA si Ysabel Ortega na marunong mag-invest sa negosyo upang mas mapalago pa ang kinikita sa pag-aartista. Hindi pa natatagalan noong nagbukas ng sarili nilang branch ng NAILANDIA nail salon and spa sa Il Terrazo, sina Ysabel, Sophia Senoron at Elle Villanueva, heto at nagbukas naman si Ysabel ng bakeshop na kasosyo ang ina niyang […]

  • “Halloween Ends” Brings Back Jamie Lee Curtis In Her Iconic Role

    AFTER 44 years, the most acclaimed, revered horror franchise in film history reaches its epic, terrifying conclusion in “Halloween Ends” – an Ayala Malls Cinemas exclusive starting October 12.     “Halloween Ends” brings back Jamie Lee Curtis in her iconic role as Laurie Strode as she faces off for the last time against the […]

  • DOJ at PNP, magkasamang binigyan ng update ang pamilya ng mga nawawalang sabungero

    MAGKASAMANG pinulong ng Department of Justice at Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group ang mga pamilya’t kaanak ng mga nawawalang sabungero.     Ito ay matapos na magkaroon ng mga panibagong development ang pulisya hinggil sa kanilang ginagawang imbestigasyon dito.     Layunin nito na bigyan ng update ang mga kamag-anak ng 34 […]