• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ice hockey player, tulog sa suntok

MALAMIG ang pinaglalaruan pero mainit ang naging eksena sa American Hockey League nang magsuntukan ang dalawang magkalaban sa gitna ng yelong rink.

 

Sa ikalawang yugto ng laro ay makikitang nagkainitan sina Hershey Bears center Kale Kessy at Charlotte Checkers D-man Dereck Sheppard matapos nilang hubarin at bitawan ang kanilang sticks at gloves at saka nagsuntukan.
Tila #MAYPAC ang naganap na senaryo kung saan tuluyang bumagsak si 27-anyos Kessy sa pinakawalang solidong suntok ni 25-anyos Sheppard.

 

Agad namang sumugod ang mga referee. Pati ang nagpabagsak na si Sheppard ay nag-aalala at sumenyas ng tulong sa medical team.

 

Sa naunang report, halos 10 minutong walang malay si Kessy at kumalat sa ice rink ang dugo nito.

 

Sa ngayon ay kinumpirma naman ng Bears head coach na si Spencer Carbery na nasa mabuti nang kalagayan si Kessy.

Other News
  • Crime rate bumaba ng 73.76%

    BUMABA na sa 73.76% ang mga naitatalang krimen sa bansa simula Hulyo 2016, kung kailan nagsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Sa lingguhang Talk to the People ni Pang. Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na mula sa 131,699 crime index sa bansa ay nasa 34,552 na […]

  • Jazz wala pa ring talo nang tambakan ang Rockets, 122-91; Fil-Ams Clarkson vs Green agaw pansin

    Nananatili pa rin ang malinis na record ng Utah Jazz makaraang iposte ang ikaapat na panalo nang ilampaso ang Houston Rockets sa iskor na 122-91.     Walang patawad sa kanilang opensa ang ginawa ng Jazz kung saan pitong players ang nagtala ng double figures.     Kabilang sa mga ito ay sina Rudy Gobert, […]

  • Pagbabalik ng NCAP, inihihirit ng MMDA

    NANANAWAGAN  ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na muling ­ipatupad ang ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP).     Ayon kay MMDA ac­ting chairman Don Artes, lumala ang maraming mga paglabag partikular ang ilegal na paggamit ng mga motorista sa EDSA bus lane simula nang masuspinde ang NCAP.     Umaasa rin si Artes na kaagad […]