• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ICU ng PGH puno na sa mga batang may COVID-19

Nasa ‘full capacity’ na kahapon ang COVID-19 intensive care units  ng Philippine General Hospital (PGH) sa mga batang tinatamaan ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario na mas dumarami ngayon ang mga batang isinusugod sa pagamutan na isang ring COVID-19 referral center, makaraan ang pagdating sa bansa ng mas mapanganib na Delta variant.

 

 

Kahapon, nakapagtala ang PGH ng 150 COVID-19 patients, bata at matanda, na siyang pinakamataas nila sa loob ng dalawang buwan.

 

 

Sa kasalukuyan, hindi pa kabilang ang mga bata sa ‘vaccination program’ ng pamahalaan kaya nanawagan si Del Rosario sa mga magulang at guardians na higpitan ang paglabas ng mga bata dahil hindi rin sila ligtas na mahawa ng virus.

 

 

Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) na plano nilang itaas ang target nilang populasyon na mabakunahan mula sa 70 milyon tungo sa 80 milyon.

 

 

Dahil dito, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na inaasahan na makakasama na sa naturang bilang ang mga Pinoy na may edad 18-taong gulang at pababa. (Gene Adsuara)

Other News
  • 3rd Quarter Monthly allowance ng MPD police, naibigay na

    IBINIGAY na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang 3rd quarter allowance sa lahat ng kapulisan na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) ngayong araw.   Matapos ang isinagawang flag raising ceremony, mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nag-abot ng tseke sa ilang kapulisan na naglalaman ng kanilang “monthly allowance” simula buwan ng Hulyo, […]

  • MMDA naghigpit sa mga distracted drivers

    TUTULUNGAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang police authorities sa pagpapatupad ng batas laban sa drunk and distracted driving.   Sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia na ang kanilang ahensya ay nagsanib sa Philippine Nation Police Highway Group (PNP) at Land Transportation Office (LTO) “in a one time, big time operation” laban sa […]

  • Magaan na virus restrictions, inirekomenda ng MM mayors

    INIREKOMENDA ng mga Metro Manila mayors ang pagpapagaan ng virus restrictions sa capital region. Ang rekumendasyon ng mga MM mayors ay isang araw bago mapaso ang modified enhanced community quarantine. Nagkaisa ang mga local chief executives sa MM capital na manawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim na sa strict general community quarantine ang […]