• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Identified suspects sa nawawalang sabungero, pumalo na sa 8 – Año

PUMALO na sa 8 suspek ang in-identify ng Philippine National Police (PNP) sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

 

 

“At least eight suspects na ang ating na-identify. Sa oras na makuha na natin ang sapat na ebidensya ay hihingin na natin ang tulong ng korte,” ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules.

 

 

Aniya, sa pamamagitan ng warrant of arrest, maaari nang hanapin o tugisin ng mga awtoridad ang mga suspek upang magbigay linaw sa mga nawawalang sabungero at para papanagutin ang mga responsable sa nasabing insidente.

 

 

Marso 4, sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP na kinilala ng saksi ang anim na suspek sa pagkawala ng mga sabungero sa Manila Arena sa Santa Ana.

 

 

Sinabi ni CIDG director Police Brigadier General Eliseo Cruz na idinawit ng saksi ang 14 na katao sa pagkawala ng mga sabungero.

 

 

Nakatutok naman ang pulisya sa anim na kaso na kinasasangkutan ng 31 nawawalang sabungero: isa sa Maynila, apat sa Laguna, at isa sa Batangas.

 

 

Sa kabilang dako, ipinresenta rin ni Año ang mga pagkakahalintulad sa mga kaso gaya ng huling lokasyon ng nawawalang mga tao sa loob ng cockpit arenas.

 

 

Karamihan sa mga sasakyan na ginamit ng nawawalang mga tao ay inabandona sa lugar na malapit sa kanilang tinitirhan.

 

 

“All cockpit arenas being investigated are managed by the same administrator and operator,” ayon kay Año.

 

 

Ang mga concerned cockpit arenas ay walang nakakabit na closed circuit televisions (CCTVs).

 

 

“Most persons of interest are either security or management personnel of cockpit arenas,” dagdag na pahayag ni Año.

 

 

Samantala, lumikha aniya ang PNP ng Special Investigation Group Sabungero para ituon ang pansin sa insidente ng pagkawala ng mga sabungero.

Other News
  • PUSLIT NA SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD

    NASABAT  ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahon-kahong puslit na sigarilyo sa katubigang sakop ng barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu. Ayon sa ulat ng PCG, nagsasagawa ng coastal security patrol ang PCG nang maharang ang motor  na ML FAIDA  sakay ang siyam nitong tripulante. Dahil wala ang kanilang kapitan at wala silang safety […]

  • Kaya wala sa ‘Night of 100 Stars’: Imbitasyon ni JODI, kinansela dahil mas pinaboran si CLAUDINE

    INAAYOS na ngayon kung sining mga Kapuso stars ang tiyak makakasama sa “It’s Showtime “.   Ito ang pag-amin ng isa sa mga host ng nabanggit na Kapamilya show. Ayon pa kay Vhong Navarro ay pinag-uusapan na raw ng management kung araw-araw may bagong Kapuso co-host or may mga ipapasok na regular host ng “It’s […]

  • Three months after na masagasaan ng snowplow: JEREMY RENNER, nakatatayo na at gumagamit na ng treadmill

    SOBRANG seloso pala ang boyfriend ni Jasmine Curtis Smith na si Jeff Ortega.   Sa pitong taon daw na may relasyon sila, nauunawaan na raw ni Jasmine ang pagiging seloso ni Jeff. Kaya tuwing meron sila ‘di napag-uunawaan, nagiging honest agad si Jasmine sa pagsabi kay Jeff kung ano ang diperensya nito.   “Mas na-practice […]