Idol siya ng bagong child actress: JILLIAN, naalala ang pagiging bata nang magkita sila ni SIENNA
- Published on June 27, 2023
- by @peoplesbalita
BIG fan pala ng bagong Kapuso child actress na si Sienna Stevens ang former child star na si Jillian Ward.
Nagkaroon ng pagkakataon si Sienna na bisitahin ang idol niya sa set ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’. Noong magkita na sila, sinabi ni Sienna kay Jillian ay: “Idol po kita, gusto ko maging Daldalita.”
Natawa si Jillian at sinagot kay Sienna ay: “Bakit hindi, ‘di ba! Guys, puwede Daldalita. Pero makikipag-usap sa mga baboy, bibe dun!”
Naalala ni Jillian ang kanyang pagiging bata nang magkita sila ni Sienna na napapanood ngayon sa ‘Royal Blood.’
“Parang na-realize ko talaga na dalaga na po talaga ako. Una sa lahat, baby pa siya pero kilala niya po ako, tapos alam po niya ‘yung mga dati ko pong ginawa Trudis Liit and Daldalita.
“Ngayon ko lang po narinig talaga from super mga baby po na actors na parang ginagawa nila akong role model. I would like to work with you her one day.”
Nagbigay din ng payo si Ate Jillian kay Sienna kung paano makikitungo sa mga makakatrabaho niya sa showbiz.
“Sa ngayon, hindi mo pa siya sobrang ma-appreciate kasi baby ka pa talaga. So, ngayon enjoy-in mo lang ‘yan dahil darating ‘yung oras na magdadalaga ka. Mas magkaka-insight ka sa ginagawa mo and always, always respect your co-workers,” sey ni Jillian.
***
UMANI ng bonggang reviews ang all-Filipino musical ‘Here Lies Love’ sa naganap na Broadway debut nito noong nakaraang June 17.
Sold out ang first preview night nito sa Broadway Theater. Pinuri ang lahat ng aspeto ng musical, mula sa music, production design, costume at performance ng buong cast.
“It’s a good start. We’re gonna have a great run. It’s gonna be fantastic. The audience was fantastic,” sey ni Jose Llana, who plays Marcos Sr.
Naging proud bilang isang Pinoy ang sikat na New York Fil-American chef na si Jordan Andino noong mapanood niya ang musical: “I’ve never been so proud to be a Filipino. Seeing Filipinos literally in the spotlight just made me so happy.”
‘Here Lies Love’ has 23 all-Filipino cast member kabilang sina Arielle Jacobs as Imelda Marcos, Conrad Ricamora as Ninoy Aquino, and Lea Salonga as Aquino’s mother, Aurora.
The official opening night of “Here Lies Love” is set on July 20.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Pag-imprenta ng balota para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, uumpisahan na
NAKATAKDA nang umpisahan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw, September 20 ang pag-imprenta ng official ballots para sa isasagawang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Disyembre. Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, ang isang buwang schedule para sa printing job ay dapat na raw matapos sa October 20 kahit […]
-
CHR, kinondena ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng mga law enforcers
HAYAGANG kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng apat na pulis na pinatay ang isang mag-ama sa isinagawang illegal drugs operation sa Caloocan City noong 2016. Pinuri naman ng Komisyon ang naging hatol na homicide ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Ma. Rowena Violago […]
-
Pagtatayo ng specialty centers sa regional hospitals sa buong bansa, aprubado na ni PBBM
GANAP ng batas ang paglalagay ng specialty centers sa regional hospitals sa buong bansa, kaya obligado na ang Department of Health na maglagay ng specialty centers sa mga ospital nito sa bawat rehiyon sa buong bansa. Ito’y matapos lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11959 o “Regional Specialty Centers Act.” Layunin […]