Ikinagulat ng showbiz industry: ’90s heartthrob na si PATRICK, pumanaw na sa edad na 55
- Published on June 20, 2023
- by @peoplesbalita
NAGULAT ang local showbiz sa balitang pagpanaw ng aktor at ’90s heartthrob na si Patrick Guzman noong nakaraang June 16 sa Toronto, Canada.
Kumalat via social media ang pagpanaw ng 55-year old Filipino-Canadian nitong nakaraang Sabado, June 17. Hindi pa naglalabas ng official statement ang pamilya ni Patrick. His wife is Liezel at meron silang 15-year old son
Ayon sa mga lumabas na balita, fatal heart attack ang naging dahilan ng pagpanaw ng aktor habang naglilinis ito ng kanyang kotse sa bahay nila sa Toronto. Ang kanilang anak daw ang nakakita sa biglang pagbagsak ng kanyang ama at tumawag ito agad sa 911.
Nataon pa raw na wala ang misis ni Patrick sa bahay dahil sa isang vacation trip. Noong malaman ni Liezel ang nangyari kay Patrick, agad itong sumugod sa ospital kunsaan dinala ang mister.
Ayon sa isang source, kakapa-renovate lang daw ng bahay nila Patrick at magkakaroon sana sila ng house warming on June 23.
Nakilala si Patrick noong dumating ito sa bansa in 1991. Isa siyang sports medicine student sa Canada at gustong subukan ang kanyang suwerte sa Pilipinas. Una siyang lumabas sa TV commercial ng Swatch Watch at agad siyang kinuha para mag-host ng late night variety show na Penthouse Party kasama sina Nanette Medved, Anthony Pangilinan, Rod Nepomuceno and Panjie Gonzalez.
Agad din na napasok ni Patrick ang paggawa ng pelikula at sa bakuran ng Viva Films siya na-introduce sa pelikulang ‘Andrew Ford Medina: ‘Wag Lang Gamol’ na bida ang rapper-comedian na si Andrew E.
Dahil sa pagiging baluktot na magsalita ng Tagalog kaya sa mga comedy movies noong ’90s parating napapasama si Patrick tulad sa ‘Mahirap Maging Pogi, Ang Boyfriend Kong Gamol’, ‘Pretty Boy’, ‘Chick Boy’, ‘Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko’, ‘O-Ha Ako Pa?’, ‘Manalo and Michelle: Hapi Together’, ‘Mama’s Boys 2’ at ‘Manila Girl: Ikaw Ang Aking Panaginip’.
Sinubukan din ni Patrick ang gumawa ng mga drama movies tulad ng ‘Una Kang Maging Akin’, ‘Ikaw’, ‘Koronang Itim’, ‘Muntik Nang Maabot Ang Langit’, ‘Selosa’, ‘Malikot Na Mundo’, ‘Kung Ako Na Lang Sana’ at ‘Sisa’.
Pati mga action movies ay napabilang si Patrick tulad ng ‘Ben Balasador’, ‘You and Me Against The World’, ‘Anting-Anting’, ‘Tatapatan Ko Ang Lakas Mo’, ‘Marahas Walang Kilalang Batas’ at ‘Frame Up’.
Dahil naging sex symbol din si Patrick noong ’90s at nauso ang mga low budget sexy films na tinawag na “pito-pito”, ilan sa mga nagawa niya ay ang ‘Asawa Mo Misis Ko’, ‘Hatiin Natin Ang Ligaya’, ‘Campus Scandal’, ‘Mga Babae Sa Isla Azul’, ‘Huwad Na Hayop’, ‘Lakas At Pag-ibig’, at ‘Sa Piling Ng Iba’.
Huling nagawang pelikula ni Patrick ay ang ‘BROmance The Movie’ noong 2019 na ginawa niya sa Canada.
Noong aktibo si Patrick sa showbiz, na-link siya romantically sa aktres na si Gelli de Belen at sa model and former Bb. Pilipinas International 1991 na si Maria Patricia “Patty” Betita.
Simula 2004 ay nag-lie low na si Patrick sa showbiz at nagdesisyon itong bumalik na sa Toronto. Doon na siya nagkaroon ng pamilya at paminsan-minsan ay nagbabakasyon siya sa Pilipinas para bisitahin ang kanyang ina.
Noong May huling nasa Pilipinas si Patrick dahil may sakit ang kanyang ina. Ito ang pinost niya sa kanyang Facebook para batiin ang kanyang ina noong Mother’s Day…
“Happy advanced Mother’s Day ❤️ it was great to spend time with you again Mom 🙏 I’ll be back again soon Ma. Love you so much ❤️🙏”
(RUEL J. MENDOZA)
-
Kung dati ay si Carmi Martin ang maiisip: ARA, pinabilib nang husto si Direk JOHN sa kanyang pagganap
GUMAGANAP sina Sue Ramirez at Jake Cuenca sa Jack and Jill Sa Diamond Hills bilang sina Jill at Jack respectively na mga pulis. Sa tunay na buhay ba ay naging ambisyon ni Sue na maging policewoman? “Cashier,” ang tumatawang mabilis na sagot ni Sue. “Lahat ng batang babae nangangarap […]
-
Arrest warrant, maaaring iisyu ng ICC laban sa mga opisyal ng gobyerno ng PH – SolGen
MAAARI umanong mag-isyu ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra. Subalit nilinaw naman ng SolGen na ibang usapin ang pagpasok ng mga imbestigador ng ICC sa teritoryo ng Pilipinas kayat mahalaga ang kooperasyon nito sa pamahalaan. […]
-
PBBM, nilagdaan na ang 2023 national budget
NILAGDAAN kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5.268 trillion na panukalang national appropriations for 2023. Ito ang kauna- unahang budget sa ilalim ng administrasyong Marcos. Dadalo si Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng 2023 General Appropriations Act (GAA) sa Malacañang dakong alas-3 ng hapon ayon sa Palace advisory. […]