• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ikinumpara ni Vivian sa mamahaling designer outfit ni Heart: MARIS, ipinagmalaki na nakarating sa New York ang kanyang ukay-ukay

KINAGILIWAN ng mga netizens ang latest IG post ni Maris Racal na kung saan ang OOTD niyang white little dress ay nabili niya sa ukay-ukay.

 

 

Caption ni Maris sa kanyang larawan na kuha sa New York City, “My ukay ukay dress made it to nyc.”

 

 

Dahil sa ginawa niya, marami talagang natuwa at hindi makapaniwala na ang outfit na sinuot ni Maris sa New York ay second-hand dress, na nagmula nga sa isang ukayan ng lumang damit.

 

 

Napa-comment nga si Direk Antoinette Jadaone na, “Yan ba yung sa Session Road???”

 

 

Na sinagot naman ni Maris ng, “Iba pa yun direk.”

 

 

Ayon nga sa mga netizens at followers ng young actres:

 

“Love your fashion sense, girl! A proof that fashion doesn’t only have to be expensive stuff.”

 

 

“True. Nasa pagdala lang yan at nagsusuot. Aanhin mo yong expensive kung di naman bagay sayo diba?”

 

 

“Ganda Ng ukay dress mo ghorl.”

 

 

“Wow bet mo rin ukay2 ganda!”

 

 

“Love it! Where did you buy?”

 

 

“Grabe naman this girl so beautiful, talented and sexy.”

 

 

“Mas hot pa sa init ng araw.”

 

 

Pak apakaganda… next Victoria secret model.”

 

 

Samantala, kinumpara ni Vivian Velez ang naturang outfit ni Maris sa designer clothes ni Heart Evangelista at caption niya, “Heart’s designer outfit in Paris vs ukay ukay of Maris Racal in NYC.

 

 

“You don’t have to buy expensive, you just need to look like one hahaha.”

 

 

Super-react naman ang mga netizens sa obserbasyon na ito ni Ms. Vivian Velez, may nag-agree at meron ding nag-nega.

 

 

***

 

 

ISANG taos pusong mga sandali ang ibinahagi ni Senadora Imee Marcos sa mga kababayan sa Norte na mapapanood sa kanyang latest vlog entry ngayong weekend.

 

 

Naka-sentro sa vlog ang pagbisita niya sa Vigan, Abra, at Laoag, na talaga namang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol, na nagwasak sa hilagang bahagi ng bansa.

 

Namahagi si Sen. Imee ng tulong sa mga pamilya sa rehiyon at kumunsulta sa mga tao upang alamin ang iba pa nilang pangangailangan.

 

Nilibot din niya ang mga historical sites na naapektuhan ng mapinsalang lindol.

 

Ipakikita rin sa vlog ang eksklusibo at never-before-seen na snippets sa kanyang pagpupulong kasama si Presidente Bongbong Marcos at iba pang lokal na opisyal.

 

Na kung saan pinag-usapan nila ang mga karagdagang safety measures at tulong para sa mga tao, sa muling pagpapatayo ng mga napinsalang mga tahanan at para maharap nila ang resulta ng lindol.

 

Tunghayan ang pagbisita ni Senator Imee Marcos sa Norte at mag-subscribe sa kanyang official YouTube Channel
sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads May 24, 2023

  • IVANA, kung anu-anong raket ang pinasok para makatulong sa pamilya; nari-reject noon dahil ‘pangit’ siya

    SA latest vlog ng sexy actress at YouTube star na si Ivana Alawi, inamin niya na kung anu-anong raket ang pinasok niya para lang mapangatawanan ang pagiging breadwinner ng pamilya.     Kasama niya sa vlog ang mga kapatid na sina Hash Alawi at Mona Louise Rey, sersoyo nga nilang pinag-usapan ang pagiging breadwinner ng […]

  • Sotto swak pa rin para sa Gilas ‘Pinas training pool

    IPINAHAYAG ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI)  na kabilang pa rin para sa Gilas Pilipinas training pool si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto.     “He’s part of the list so we just have to talk to him, reach out to him again, we haven’t finalized our calendar yet, but once […]