Ilang buwan pa bago naging sila pero ‘di nagtagal: HEAVEN, nilinaw na ‘di naging third party sa hiwalayang KIKO at DEVON
- Published on March 1, 2025
- by Peoples Balita
SINAGOT na ni Heaven Peralejo ang mga balita sa kanya noon na naging third party sa relasyon ng aktor at dati niyang boyfriend na si Kiko Estrada.
BIHIRA ngang tumanggap ng teleserye ang award-winning actress na si Amy Austria.
Pero kapag may tinanggap ito na serye, ibig sabihin ay maganda ang istorya ito.
Kasama siya sa ‘Mommy Dearest’ ng GMA Afternoon Prime at nagpapasalamat siya na pinahahalagahan pa rin siya sa limang dekada bilang aktres.
Ang disiplina raw na natutunan niya simula nung bata siya hanggang sa pasukin niya ang pag-arte in 1976.
“Naging mabait ang show business sa atin at hindi naman tayo nahirapan dahil na rin sa disiplina natin sa trabaho. Bata pa lang ako, may disiplina na ako sa bahay pa lang. Tinuruan kami na maging responsable sa lahat ng bagay.”
Mula raw sa pamamalengke at pagsasaing, hanggang sa paghugas ng pinggan at paglalaba ay nagagawa na niya sa edad na lima.
“Kailangan lahat gawin mo nang tama, lahat kailangan gawin mo nang maayos, lahat gawin mo nang maganda, lahat gawin mo nang nasa oras. ‘Wag mong ipagpabukas or mamaya na, ‘yung kailangan mong tapusin, tapusin mo na,” sabi ni Amy na ayaw ding maging cause of delay sa trabaho niya.
***
NA-ACQUIRE ng TMZ ang official final divorce papers nila Jennifer Lopez and Ben Affleck.
Nakalagay sa settlement na “the two agreed to walk away with what they had each acquired individually while married. They would keep their personal clothing, jewelry, and miscellaneous personal effects in their possession, custody or control.”
Ibig sabihin ay pati ang $5-million engagement ring na bigay ni Ben noong 2022 ay pag-aari na ni Jennifer.
Ang $68-million home nila sa Beverly Hills is currently on the market, at paghahatian nila ang profits based on the “terms of the Separate Settlement and Confidentiality Agreement.”
Walang prenup ang dalawa noong kinasal sila in 2022.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Kasama ang buong pamilya ni Cong. Jay: AIKO, sa Japan magpa-Pasko at may nag-iisip kung doon sila ikakasal
DAHIL sa Japan sila magse-celebrate ng Pasko, may katanungan sa isip ng mga netizens; doon na rin kaya magaganap ang kasalang Aiko Melendez at Jay Khonghun? Taun-taon mula noong nagkaroon sila ng relasyon ay sa ibang bansa idinaraos nina Aiko at Jay ang Pasko, at ngayon nga ay sa Japan ang kanilang destinasyon. Buong pamilya […]
-
WATCH THE NEW “HEROES REUNITED” FEATURETTE FOR “SPIDER-MAN: NO WAY HOME” RETURN ENGAGEMENT
MANILA, August 29, 2022 — What’s better than one Spider-Man? How ‘bout 3?! Columbia Pictures has just unveiled a new vignette entitled “Heroes Reunited” which features Tom Holland, Andrew Garfield and Tobey Maguire discussing their collaboration in Spider-Man: No Way Home. Check out the video below and don’t miss Spider-Man: No Way Home back in Philippine cinemas for […]
-
Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal
LUNGSOD NG MALOLOS – Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal makaraang pasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ang bagong Outpatient Department ng Bulacan Medical Center sa isang programa na isinagawa sa bagong OPD building na matatagpuan sa Bulacan Medical Center Compound, Brgy. Guinhawa dito […]