Ilang eksperto sa medisina, nagdadalawang isip sa pagbabalik operasyon ng mga sinehan
- Published on February 19, 2021
- by @peoplesbalita
IMINUNGKAHI ng ilang medical expert na palakasin na lamang ang outdoor cinema sa halip na agad na ibalik ang indoor cinema o traditional cinema para makaiwas sa peligro at posibilidad na makapitan ng covid 19 virus.
Nangangamba kasi ang mga ito sa inaasahang pagbabalik ng operasyon ng mga sinehan sa gitna ng pandemya.
Ayon kay UP-PGH College of Medicine Clinical Associate Professor Dr Menguita Padilla, kulob at air- conditioned ang mga sinehan kaya’t may posibilidad na may mai- infect sa movie goers sakalit may makalusot na carrier ng COVID.
Aniya, may iba namang paraan para matulungan ang nasa cinema industry lalo’t nasa 300,000 katao umano ang umaasa dito.
“Kami ay may suggestion: Puwede pa rin nating tulungan ang mga cinemas na kumita. Kasi sabi ni Secretary Lopez, about 300,000 people ay dependent sa cinema industry for their livelihood, baka puwedeng gawin ng mga LGUs is outdoor cinemas ‘no. Maganda naman iyong outdoor cinemas, sa park, etc.
Ang ikinatatakot ng mga doktor at kasama na kami doon is that kahit bawasan ninyo ang mga tao sa loob ng cinema – kasi kulob siya, kasi airconditioned, maaari pa ring ma-infect,” ayon kay Padilla.
“So this is just a suggestion. Tapos, finally, takot nang marami pa rin na pumunta so baka kung indoor cinemas ay hindi pa rin pumunta ang tao. So iyon lang ‘no. So those are some of our ideas, and I can answer the rest of the questions about vaccine. Me, personally as a doctor, tinanong ako ng isang tao, “Papayag ba kayo na Sinovac,” dagdag na pahayag nito.
Napaulat na di umano’y sa Marso 1 na magbabalik operasyon ang mga sinehan sa NCR na kung saan ay nagsisimula na ang konsultasyon sa mga alkalde ng Metro Manila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
PAGMAMAHAL SA MAGULANG, SUSI SA PAGKAKAROON NG MAGINHAWANG BUHAY
MAHALIN, IGALANG AT ALAGAAN ANG IYONG MGA MAGULANG KUNG NAIS MONG GUMINHAWA AT LUMAWIG ANG BUHAY! Iyan ang pangako ng Diyos na mababasa sa aklat ng Mga Taga-Efeso 6:1-3 Sabi nga ng ilan, maging maramot ka na sa iba, huwag lang sa iyong magulang. Isa iyan sa hiwaga ng buhay. Kapag minahal mo […]
-
Roach assistant, naniniwalang ‘frustrated’ si Pacquiao kaya’t nanghamon sa mga bayolenteng Amerikano
BACOLOD CITY – Naniniwala ang assistant ni coach Freddie Roach na maaaring frustrated na rin si Sen. Manny Pacquiao sa mga nangyayaring karahasan laban sa mga Asian Americans kaya’t hinamon nito ang mga suspek na siya ang kalabanin. Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Marvin Somodio mula sa Los Angeles, California, naniniwala […]
-
Japan, kinokonsidera ni PBBM na isama sa Balikatan drills kasama ang Estados Unidos
KINOKONSIDERA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isama ang Japan sa nalalapit na Balikatan Exercises, isang taunan na military activity sa pagitan ng armed forces of the Philippines (AFP) at Estados Unidos. “Now with the inclusion of Japan into some of these exercises that we have been doing—not only Balikatan but others—I do […]