• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang flights sa NAIA terminal 2, ililipat sa NAIA terminal 1

SIMULA Disyembre 1 ay ililipat na ang  ilang mga flights mula NAIA Terminal 2 patungo sa NAIA Terminal 1.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, inanunsyo ni Manila International Airport Authority (MIAA) assistant general manager Brian Co  na gagawin nila ang hakbang upang ma-decongest ang NAIA Terminal 2 dahil na din sa dami ng flight ng Philippine Airlines.

 

 

Aniya, mas  maluwag ang NAIA 1 at kayang mag-accommodate pa ng mga flights na magmumula sa NAIA Terminal 2.

 

 

Magsisilbi aniyang pambalanse ang hakbang na ito  upang hindi naman maging siksikan ang terminal 2 lalo na ngayong holiday season.

 

 

Sa kabilang dako, apektado ng naturang hakbang ang mga papunta at parating galing ng Estados Unidos, Canada at Middle east.

 

 

Samantala, bunsod ng  inaasahang  pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season, wini ka ni Co na magdaragdag sila ng manpower kabilang na ang mga ground handlers habang titiyakin din ng kanilang operations na ligtas ang mga bumibiyaheng eroplano ngayong inaasahang pagdami ng volume ng mga biyahero. (Daris Jose)

Other News
  • RAYA FIGHTS WITH ARNIS IN THE FIRST ‘RAYA AND THE LAST DRAGON’ TEASER

    IT’S been a few months since Disney treated us with the first- look image of the upcoming film Raya and the Last Dragon.   Now, they have finally unveiled the official teaser to the film, which will get Filipinos more excited for the film’s release next year!   Check out the trailer here:   Aside […]

  • Mahigit P900-M na pondo inilaan ng DOTr para sa pagbuo ng 470km bike lanes sa buong bansa

    PUMAPALO sa mahigit Php900-million na halaga ng pondo ang inilaan ng Department Transportation para sa plano nitong pagbuo ng mga bike lanes sa buong bansa ngayong taon.     Ito ay alinsunod sa tinatarget ng ahensya na bumuo ng nasa kabuuang 470km na mga bike lanes sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na itatatag plano […]

  • NATUKOY NA UK VARIANT, GALING SA MIDDLE EAST

    KINUMPIRMA  ng Department of Health (DOH) na galing ng Middle East  ang 13  returning Overseas Filipino na kabilang sa 18 bagong natukoy na UK variant ng SARS-CoV-2.   Sa datos na ibinigay ng DOH, mula United Arab Emirates (UAE), Bahrain, at Saudi Arabia ang nasabing mga ROFs.   Ang 13 ROFs ay dumating sa bansa […]