Ilang mga alkalde hindi sang-ayon sa isinusulong ng DILG sa hindi na pag-anunsiyo ng bakuna
- Published on May 22, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi sang-ayon ang ilang alkalde sa Metro Manila sa panukalang hindi na sabihin sa mga mamamayan ang COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila.
Kasunod ito sa naging pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduard Año na dapat hindi inaanunsiyo ang mga brand na gagamitin ng mga LGU para hindi na magkaroon ng pilahan.
Ayon kina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Marikina Mayor Marcelino Teodoro na dapat pag-aralang mabuti ng gobyerno ang nasabing direktiba dahil magdudulot ito kawalan ng tiwala ng mga tao sa bakuna.
Sinabi naman ng Marikina Mayor na ang vaccination process ay maging deliberative at karapatan din aniya ng mga tao na malaman ang bakuna na ituturok sa kanilang katawan.
Magugunitang nagbunsod ang desisyon ng DILG sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).
Tiniyak din ng DOH na ang lahat ng mga bakuna ay dumaan sa matinding pag-aaral kaya ito ay epektibo.
Paliwanag pa ni Ano na kanila pa ring nirerespeto ang right to information ng mga indibidwal.
Kaya sila naglabas ng nasabing desisyon ay para maiwasan na ang naganap na pagdami ng mga tao na pipila sa mga vaccination center.
Magugunitang dumami ang pumila sa mga vaccination site matapos na ianunsiyo ng mga LGU na ang gagamitin na mga bakuna ay galing sa western brand. (Gene Adsuara)
-
Evangelista, Santor hinirang na MOS
HINIRANG sina Aishel Evangelista ng Betta Caloocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilustre East Swim bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Leg 1 kamakalawa sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila. Nanguna ang 14-anyos na si Evangelista, Grade 10 student sa […]
-
VisMin sasaklolo sa basketbol
PUNTIYRA ng Pilipinas VisMin Super Cup na mabigyan ng magandang buhay, mapaangat ang playing career ng mga manlalaro sa nalalapit na pagbubukas ng isa pang propesyonal na liga ng basketbol sa bansa. “We will be very happy kapag marami na sa aming mga player ang makikita namin na kukunin para maglaro sa Manila […]
-
TNT lalapit sa finals
LALAPIT ang nagdedepensang TNT Tropang Giga sa pagdakma sa championship ticket, habang mag-uunahan ang San Miguel at Barangay Ginebra sa 2-1 lead sa Season 49 PBA Governors’ Cup semifinal series. Hawak ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven semis showdown, sasagupain ng Tropang Giga ang Rain or Shine Elasto Painters sa Game Three ngayong […]