• April 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ILANG MGA INFORMAL SETTLER SA BINONDO, SINIMULAN NANG MAGKUSANG-LOOB NA GIBAIN ANG KANILANG BAHAY

SINIMULAN nang gibain ng mga pamilyang iskwater ang kanilang tinutuluyang bahay na kanilang itinirik sa kahabaan ng Delpan street sa Binondo partikular na ang mga nasa center island nito ngayong araw.

 

 

 

Ayon kay Manila City Engineering Office head Engr. Armand Andres, ang mga pamilyang nagkusang-loob na gibain ang kanilang tinutuluyang bahay sa nasabing lugar ay ang mga pamilyang binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling tahanan sa Binondominium I na isa sa mga housing project ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

 

 

 

Nabatid na sila na mismo ang naggiba sa kanilang mga bahay upang mapakinabangan nila ang mga kahoy, yero at iba pang materyales na maaari din nilang maibenta o ikalakal.

 

 

 

Matatandaan na nito lamang nakaraang Abril 17, 2022 ay pinangunahan nina Yorme Isko at Vice Mayor at ngayo’y Mayor-elect Dra. Maria Sheilah “honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa 15-palapag na Binondominium I na may mahigit 120 units at may lawak na 40 sq/mtr ang bawat unit na may dalawang kwarto, kusina, sala, at banyo.

 

 

 

Ang mga benepisyaryo ng Binondominium I vertical housing project ay ang mga residenteng nakatira sa center island ng Delpan na sakop ng Barangay 272 at 283 habang ang mga informal settlers sa Barangay 284 at 286 sa tabi ng center island ay ililipat sa Binondominium II na nakatakdang itayo sa Delpan Complex.

 

 

 

Ayon naman kay Department of Public Services (DPS) chief Kenneth Amurao, hindi muna aniya nila hahakutin ang mga debris na nasabing lugar dahil baka sakali umanong may mga mapapakinabangang yero o anumang maibebentang kalakal ang mga ito, ngunit tiniyak naman ng opisyal na lilinisin nila ang lugar sa oras na makumpleto na ang ginagawa nilang paggiba sa kanilang tirahan.

 

 

 

Tiniyak naman ni Amurao na ang DPS, kasama ang City Engineering Office at ang Manila Traffic and Parking Bureau na pinamumunuan ni Dir. Dennis Viaje ay patuloy na magsasagawa ng clearing operations sa lahat ng mga pangunahing lansangan at sekondaryang kalsada sa Maynila matapos nilang mapansin sa kanilang mga inspeksyon na ilang mga kalsada ang muling nakaharang sa mga nakaparadang sasakyan at iba pang uri ng mga obstructions.  (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Ads April 20, 2023

  • LTFRB: 4,400 PUVs pinayagan magkaron ng operasyon

    May 4,400 na public utility vehicles (PUVs) ang pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkaron ng muling operasyon sa may mahigit na 250 PUV na ruta.     Ayon kay LTFRb officer-in-charge Zona Tamayo na may 1,800 na traditional jeepneys at 2,600 na provincial buses ang pinayagan na mag operate.   […]

  • Hugh Jackman As James Bond: Daniel Craig Jokingly Says ‘Over My Dead Body’

    DANIEL Craig jokingly responds to the idea that Hugh Jackman will carry on the role of James Bond following Craig’s departure in No Time to Die.     Craig has been the face of Eon Productions’ James Bond franchise for 15 years now beginning with the critically acclaimed reboot Casino Royale and continuing with Quantum of Solace, Skyfall and Spectre.     […]