• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang miyembro ng Paralympic team positibo sa COVID-19

Bagama’t may nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay natuloy pa rin ang biyahe ng limang national para athletes kahapon para lumahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi kahapon ni Phi­lippine Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo na isang para athlete at ilang opisyales at coaches ang COVID-19 positive. Hindi binanggit ni Barredo ang pangalan ng nasabing para athlete.

 

 

“It is unfortunate for us to inform the public that some officials, coaches and a para athlete of our Philippine delegation bound for Tokyo to participate in the 2020 Paralympic Games have tested positive for COVID-19,” ani Barredo sa isang statement.

 

 

Sina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, taek­wondo jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, discus thrower Jeanette Aceveda at po­werlifter Achele Guion ang bumubuo sa Team Philippines.

 

 

Bilang pagsunod sa health and safety protocols ay hindi na nakasama sa biyahe ng delegasyon kahapon ang nasabing mga COVID-19 positive.

Other News
  • Ads September 17, 2024

  • Ads April 27, 2023

  • G7 Nation, magpapataw rin ng mga bagong economic sanctions sa Russia

    NAGKAISA  rin ang Group of Seven industrialized Nation na magpataw pa ng mga panibagong kaparusahan laban sa Russia.     Kaugnay pa rin ito ng mga ginagawang pananalakay ng Russia sa Ukraine na sanhi naman nang pagkasawi ng daan-daang mga sibilyan dito.     Nakasaad sa isang statement na nagkasundo ang G7 leaders na ipagbawal […]