• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang motorista, maagang nagpagasolina bago pumatak ang panibago na namang big-time oil price hike

ILANG oras pa bago pumatak ang panibagong oil price hike na ipapatupad ngayong linggo ay maaga nang pumila ang ilan sa ating mga kababayang tsuper ng mga pribado at pampublikong transportasyon.

 

 

Batay kasi sa inilabas na abiso ng mga oil companies, papalo sa Php2.15 ang itataas ng presyo sa kada litro ng gasolina, Php 4.30 naman ang magiging dagdag sa kada litro ng diesel, at P4.85 naman ang umento sa kerosene.

 

 

Kasabay ng sunud-sunod na taas-presyo ng produktong petrolyo sa bansa ay ang pag-aray din ng mga kababayan nating mga motorista na silang pangunahing apektado nito.

 

 

Dahil jan, nananawagan ang mga ito ngayon sa pamahalaan na huwag ng patagalin pa ang pag-aksyon ukol dito dahil maging ang mga pasahero raw ay lubhang nahihirapan nang dahil dito.

 

 

Para makatipid, kaniya-kaniyang diskarte naman ang ginagawa ng mga tsuper.

 

 

Katulad ni Kuya Anthony, isang taxi driver na naabutan  na nagpapagasolina, inaming may mga pagkakataong napipilitan nang humingi ng dagdag na singil sa kaniyang mga pasahero para sa dagdag gasolina bilang konsiderasyon na rin nararanasang malakihang umento ngayon sa produktong petrolyo.

 

 

Hindi na raw niya kasi alam kung san pa siya kukuha pa ng dagdag na panggastos lalo na’t kakaramput na lamang ngayon ang kanilang kinikita na mababawasan pa ng dahil nga sa walang humpay na pagtaas presyo ng krudo.

Other News
  • 6 person of interest sa Lapid slay case, nasa kustodiya na ng mga awtoridad – Remulla

    NASA kustodiya na ngayon ng mga awtoridad ang anim na person of interest sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.     Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.     Ibinunyag din ng Justice chief na isa sa nasa pangangalaga ng Philippine National Police at ng National Bureau of Investigation ay […]

  • Ateneo paghahandaan ang NU

    WALANG makatibag sa defending champion Ate­neo na solo na ang liderato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament.     Maging ang mortal ni­lang karibal na La Salle ay walang naisagot sa ma­­la­kas na puwersa ng Blue Eagles sa kanilang pag­ha­harap noong Sabado sa Mall of Asia Arena.     Inilampaso ng Ateneo ang La […]

  • Incoming PCOO secretary, itinutulak ang accreditation ng mga bloggers sa Malakanyang

    INAAYOS na ng Malakanyang na makasama ang mga bloggers sa ilan sa mga briefings sa Palasyo ng Malakanyang.     Sa katunayan, sinabi ni incoming PCOO Secretary Trixie Cruz-Angeles na inaayos na nila ang accreditation ng mga bloggers sa Malakanyang.     Idinagdag pa nito na kasama ito sa kanilang prayoridad.     “We are […]