• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilegal na droga, “never-ending one” na problema ng bansa – PDu30

PUMIYOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang problema sa ilegal na droga ay maituturing na “never-ending one” at kapag hindi naresolba ay maaaring malagay ang bansa sa kontrol ng narco-politicians.

 

“But if you want to see how it can destroy a country, just look at Mexico, [Sinaloa]. They are the ones who dictate who will run for governor in the local areas, who run for the mayor. It’s narco-politics,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte sa isinagawang paglulunsad ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers na naglalayong magtatag ng malakas at matibay na collaborative partnership sa komunidad bilang suporta sa nagpapatuloy na kampanya laban sa kriminalidad at terorismo.

 

Ayon sa #RealNumbersPH data ng pamahalaan, “as of April 30″ ngayong taon, nagsagawa ang drug law enforcement agencies ng 200,632 anti-illegal drug operations, na nagresulta naman ng pagkaka-aresto sa 289,622 drug dependents habang 6,117 katao naman ang namatay simula noong Hulyo 1, 2016.

 

Nakumpiska rin ng mga operatiba ang P60 bilyong halaga ng illegal drugs, kabilang na ang ilang 7,748 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P48.70 billion maliban pa sa pagwasak sa 784 drug dens at clandestine laboratories sa buong bansa.

 

“This is the one side story of people said 7,000 killed. Well, that was – five years I started to declare war against illegal drugs. But the other side is how many policemen and soldiers did I lose? Aplenty,” ayon sa Pangulo.

 

Kaya nga, patuloy niyang idedepensa ang mga pulis na ginagampanan ang kanilang tungkulin alinsunod sa batas.

 

“The policemen, do not worry, let me know if that is the case. I will defend you. Ako na mismo  because I gave the lecture and I gave you the guarantee that I will protect you as long as you do your duty in accordance with law,” anito.

 

Gayunman, sinabi ni Pangulong Duterte, na ang sinumang naaresto at nagmakaawa para sa kanyang buhay ay hindi dapat patayin.

 

Maaari namang gamitin ng mga rumespondeng mga pulis at drug law enforcers ang kanilang mga baril kapag nanlaban ang inaresto.

 

“You are not supposed to kill a person when he is down, crying, kneeling, begging for his life. That is the essence of the arrest. If he goes voluntarily with you, good. That would be the ideal arrest. But if they resist arrest violently, then you have every right also to do your thing, commensurate,” ayon sa Chief Executive.

 

Aniya, tinatayang nasa mahigit 1,000 katao ang inaaresto kada araw na may kaugnayan sa illegal drugs.

 

“And the drugs has continued to be imported, getting inside into our communities and continue to plunder the lives of people and whatever income. There are shabu and they continue to number in billions until now. And the human rights are not even worried about home many children would still be destroyed and homes are, I said, rendered dysfunctional,” anito.

 

Giit ng Punong Ehekutibo, ang kriminalidad illegal drugs, at korapsyon ay ilan lamang sa mga problemang kanyang ipinangako noong election campaign 2016 na kanyang tutugunan.

 

Labis namang nagpapasalamat ang Pangulo sa Philippine National Police (PNP) dahil sa pagsisikap nitong pigilan ang pagtaas ng violent crimes, ang pakikipagtulungan ng mga pribadong mamamayan ay bahagi rin ng “difficult task of achieving lasting peace across the nation.”

 

“We cannot overemphasize the valuable role of the PNP in deterring crime and maintaining peace and order in our society. But we cannot also deny the fact that if we are to totally eradicate criminality and terrorism, we need the active participation of our people,” ani Pangulong Duterte.

 

Para sa Pangulo, ang mga “selfless volunteers” ay maituturing na “new batch of heroes.”

 

“I trust your partnership with PNP will remain strong in years ahead. We all have a part in building a better nation. I am pleased to know that you have heeded the quality to serve and improve the quality of life of our people,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mga fans ‘bumaha’ sa kalsada ng San Fransciso

    BUMAHA ang mga fans sa mga kalsada ng San Fransisco kung saan isinagawa ang victory parade ng Golden State Warriors bilang selebrasyon sa makasaysayang pagsungkit ng korona bilang world champions sa NBA Finals.     Hindi napigilan ng mga players ng Warriors na bumaba sa kanilang bus upang makisalamuha sa crowd na matagal na oras […]

  • Briones, ikinalugod ang posibilidad na pag-upo ni Sara Duterte bilang DepEd chief

    WELCOME kay incumbent Education Secretary Leonor Briones ang posibilidad na pangunahan ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang Department of Education (Deped).     Inanunsyo kasi ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “eventual Cabinet post” ni Duterte sa ilalim ng kanyang “eventual administration.”     Kapwa nanguna sina Marcos at […]

  • MANILA CENTRAL POST OFFICE, NASUNOG

    UMABOT sa P300 milyon ang halaga nang nilamon ng ng apoy sa makasaysayang gusali ng Manila Central Post Office  sa Liwasang Bonifacio, Magallanes Drive, Ermita, Maynila, Lunes ng umaga.     Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, na nagsimula ang sunog dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi  sa General Services Section sa basement at […]