• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘I’m 100 percent sure, Pacquiao cannot knock me out’ – Ugas

Nagyabang ang Cuban WBA welterweight champion na si Yordenis Ugas na hindi siya kayang patumbahin lalo na ng Pinoy ring icon na si Manny Pacquiao.

 

 

Ayon kay Ugas, 35, matagal na panahon na siyang pinanday sa pagboboksing lalo na noong siya ay nasa amateur boxing pa lamang.

 

 

Ginawa ni Ugas ang pahayag sa final press conference kanina sa Las Vegas, tatlong araw bago ang big fight sa Linggo.

 

 

“I’m 100 percent sure he cannot knock me out,” ani Ugas sa pamamagitan ng interpreter. “I’ve done all the work and preparation. Over this past 6 years you know… I’ve been really hitting my strides and I don’t think Manny Pacquiao can knock me out.”

 

 

Sagot naman ni Pacquiao, 42, pagkakataon na ito upang malaman ng mundo kung kanino ba talaga nararapat ang korona sa WBA welterweight division.

 

 

“Its a good thing we can settle it down the dispute about the WBA belt,” wika naman ni Pacman.

 

 

Samantala, matapos ang press conference nagharapan ang dalawa para sa staredown bitbit ang tig-isang championship belt.

Other News
  • TOP DRUG PERSONALITY NG NPD NA LIDER NG “ONIE DRUG GROUP”, TIMBOG SA BUY-BUST

    NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 1 drug personality ng Northern Police District (NPD) na lider din ng “Onie Drug Group” at kanyang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.   Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong mga suspek na si Renato Perez, alyas “Onie”, 32, (Watchlisted) No. 1 […]

  • P33 taas sa minimum wage sa NCR aprub – DOLE

    INAPRUBAHAN ng regional wage boards ang dagdag sahod na P33 para sa Metro Manila, at P55 at P110 para sa Western Visayas, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Sabado, Mayo 14.     Sa inilabas na Order No. NCR-23 noong Biyernes, Mayo 13, ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng Metro […]

  • Simplehan ang pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya at local government units (LGUs) na simplehan lamang ang pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.   Sinabi nito na inabisuhan na niya ang mga ahensiya at LGUs na iwasan na ang pagkakaantala o delay.   “What I would like to happen is this: Simplify the giving […]