IMBENTOR ng SEATBELT DAPAT TULARAN sa PANAHON ng PANDEMYA ILIGTAS MUNA ANG PILIPINO BAGA MAGNEGOSYO
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
Sa ngayong panahon ng pandemya, may makukuha tayong aral kay Nils Bohlin ang imbentor ng V type 3 point safety seatbelt lalo na at nakalulungkot na may mga taong negosyo at politika ang inuuna kaysa sagipin ang buhay ng kapwa. Si Bohlin ay isang inhinyero ng Volvo na isang car manufacturer. Naimbento niya ang seat belt noong 1959. Ang seatbelt ay naging sagot sa paghahanap ni Bohlin ng solusyon dahil marami ang namamatay sa mga car crashes noon. Naging matagumpay ang imbensyon ni Bohlin at ng Volvo. Kung tutuusin dahil imbensyon niya ay pwede niya i-patent ito at tanging volvo cars lang ang may seatbelt. Napakalaking business advantage sana nun laban sa mga ka kumpetensyan ng Volvo. Pero hindi swapang sa karangalan at salapi si Bohlin at sabi nga niya – “This invention is too significant not to share”. Binuksan nila ang patent ng seatbelt kahit sa mga ka-kumpetensya sa automobile industry. “The seatbelt had more value to save lives than to profit from it.” Mas mahalaga na makasagip ng buhay kaysa sa kita o negosyo. At dahil nga kay Bohlin ay marami ang naligtas sa mga car crashes at naging importanteng bahagi ang seatbelt sa mga sasakyan magmula noon. Sa panahon ngayon ay magandang ehemplo si Bohlin at ang seatbelt na kanyang inimbento – na kailangan ay ma-isang tabi ang negosyo at pulitika. Buhay muna!
Halimbawa, may mga reports na sa ilang ospital ay tinatanong sa pamilya ng nasawi kung OK ba sa kanila na ilagay na cause of death ay Covid19. Bakit? Dahil ba mas kikita sila dito. May mga gamot na sinasabing mabisa panlaban sa Covid 19 pero dahil lang sa kalaban sa negosyo o sa pulitika ang nag-offer nito bilang lunas ay kaagad sinisiraan at kaagad tinatanggihan.
Ganun din ang vaccines na imbes ang lunas ang nakikita ay maari daw may mga side effects ito na nakamamatay. Ang iba naman diskarte ay tatakutin ang mga tao at sasabihing itong produkto namin ang lunas dyan. Tuloy nalilito ang tao kung ano ba ang totoong lunas. Baka naman lahat ng ito ay lunas pero dahil sa kalaban sa negosyo o sa politika ay kailangan siraan. Paano naman kung talagang makakatulong ang mga ito. Sayang naman. Kaya mahalaga rin na ang mga sinasabing medical experts at ang mga nasa gobyerno na nakakapag garantisado ng lunas ay walang vested interest at pinagkakatiwalaan ng tao. Matuto tayo kay Nils Bohlin at ang kanyang seatbelt invention. Dahil kung hindi ay kawawa ang tao dahil hindi matatapos ang pandemyang ito hanggat pinagkakakitaan imbes na sinusugpo at nilulunasan. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)
-
First time mag-out of the country kasama ang boyfie: ALTHEA, may sweet birthday message para kay PRINCE
NAGLABAS ng kanyang third single under GMA Music ang ‘Voltes V: Legacy’ star na si Matt Lozano titled “Liham”. Tungkol nga raw sa moving on and finding happiness again after a difficult situation ang sinulat na awit ni Matt. “May dalawa akong single na ni-release last year and two […]
-
Selebrasyon sa ika-70 taon sa pag-upo ni Queen Elizabeth magiging pribado lamang
HINDI magkakaroon ng magarbong pagdiriwang ang Buckingham Palace sa ika-70 taon ng pagkakatalaga kay Queen Elizabeth II. Ang 95-anyos kasi na si Elizabeth ay naging reyna ng Britanya at ilang mga bansa gaya ng Canada, Australia at New Zealand matapos ang pagpanaw ng amang si King George VI noong Pebrero 6, 1952. […]
-
Abogadong Pinoy na nabaril sa Philadelphia, pumanaw na
PUMANAW na ang 35-anyos na abugadong Pinoy na nabaril habang nagbabakasyon sa Philadelphia sa Amerika. Sa Facebook account ng kanyang inang si Leah Bustamante Laylo, inanunsyo nito na alas 10:33 ng gabi kagabi, Philippine time nang bawian ng buhay si John Albert Laylo. Ayon kay Philippine Consulate General in New York […]