• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IMBES na MULTAHAN o PARUSAHAN ang WALANG FACESHIELD, BAKIT HINDI BIGYAN ng INCENTIVE ang MAY FACESHIELD

Humihirit pa rin ang IATF na dapat pa rin mag face shield dahil added layer of protection daw ito. Wala naman silang naipapakitang scientific basis para sa kanilang argumento.  Maraming mga opisyal mismo ng gobyerno at mga tao ang nagsasabing dagdag gastos lang ang face shield.

 

 

Bueno kung talagang yan ang rekomendasyon ng IATF may hirit din kami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP).  Diba at maraming establishments ang nagbibigay ng mga incentives sa mga bakunado, bakit imbes na ipagbawal o sitahin lagi ang mga walang face shield ay bigyan ng incentive yung meron nito – may discount sa public transport halimbawa, sa business establishments at sa ilan pang lugar na gusto i-require ng IATF ang face shield.

 

 

Kung paniwala nila ay kailangan ang face shield pero magulo naman ang implementasyon nito at nagdudulot lang ng kalituhan at abala, at nagastusan pa ang mga tao sa pagbili ng face shield bigyan na lang ng incentive ang mga lagi nang nakasuot ng face shield.

 

 

Sa totoo lang naman ginagawa nalang na visor o sumbrero ang face shield dahil nga nahihirapan huminga at nakakaabala sa paningin ng tao.  At maging ang mga nanghuhuli ay wala namang suot na face shield.

 

 

Isa pa, dito na lang sa Pilipinas ito ginagawang mandatory at nagiging selective ang pagpapatupad nito.

 

 

So kung talagang kumbinsido ang IATF na kailangan ang pagsusuot face shield, imbes na abalahin ang mga walang suot, ay bakit hindi nila bigyan ng insentibo yung may suot.  (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Kung kailan pa nagka-edad saka pa napasabak: JOKO, walang kiyeme sa mga daring scenes nila ni AYANNA

    KUNG kailan pa nagka-edad ang dating action star na si Joko Diaz ay saka pa siya napasabak sa matitinding love scenes tulad na ginawa niya sa Siklo at ngayon naman sa bagong sexy-psycho-thriller movie ng Viva Films na Kinsenas, Katapusan.     Base sa trailer ng pelikula, wala ngang kiyeme si Joko na daring scenes […]

  • 126 PDLs, pinalaya ng BuCor kasabay ng paggunita sa ika- 126th PH Independence Day

    Aabot sa 126 persons deprived of liberty ang pinalaya ng Bureau of Corrections kasabay ng paggunita sa ika – 126th na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw.       Ayon sa ahensya, mula ng umupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, umabot sa na sa kabuuang 14,324 PDLs ang nakalaya sa mga piitan sa […]

  • Keanu Reeves Says That ‘John Wick 4’ Reveals More of the Assassin World

    KEANU Reeves says that John Wick: Chapter 4 will feature a lot more world-building and epic stunts that the franchise is well-known for.     The Lebanese-born actor has had the pleasure of playing the titular role in some of the most iconic action films like The Matrix, Speed and Point Break, but also delivered a series of commercial and critical failures in the post-Matrix era from the mid-2000s […]