• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Imbestigasyon ng PNP sa bomb threat sa Kongreso, nagpapatuloy-Acorda

NAGPAPATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa napaulat na serye ng bomb threat na natatanggap ng mga miyembro at empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nakikipagtulungan na sila sa Kongreso at napagkasunduan na paigtingin ang imbestigasyon at mag-deploy ng canine personnel doon.

 

 

Hindi naman direktang sinagot ni Acosta ang tanong kung kasama ang anggulong political sa kanilang iniimbestigahan.

 

 

“Well, as of now, everything is… kumbaga we are following up the… all lines na possible na pag-uumpisahan ng investigation,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, inamin ni House Secretary General Reginald Velasco na may mga pagbabantang natatanggap ang ilang kasapi at staff ng mababang kapulungan ng Kongreso.

 

 

Tumanggi si Velasco na tukuyin ang pangalan ng House members at staff na nakatangap ng mensahe pero seryoso nila itong tinutugunan para na rin sa kaligtasan ng lahat.

 

 

Halimbawa ng pagbabanta ang diumano’y ‘pagpapasabog sa Batasan’ pero ang pinakaseryoso umano ay ang kahina-hinalang pag-iikot ng motorcycles sa premises ng compound.

 

 

Dahil diyan nagpatupad ng paghihigpit sa pagpasok sa Batasan Complex at lahat ng sasakyan, kahit na may Issued ID mula sa Kamara ay sumasailalim pa rin sa masusing inspeksyon at pinapasadahan ng Bomb-sniffing dog.

 

 

Bawal na ring mag-park ng motorsiklo sa harapan ng alinmang gusali sa loob ng Batasan.

 

 

Maging sa deliveries ay hanggang gate na lamang at duon lamang ito pwedeng tanggapin.

 

 

Hindi rin masabi ni Velasco kung kunektado ito sa mainit na People’s Initiative (PI), maliban sa pagsasabing nitong buwan lamang ng Enero natanggap ang sunod-sunod na pagbabanta. (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 15, 2021

  • Jesus; Matthew 6:25

    Do not worry about your life.

  • Top team na Suns at Sixers parehong pasok na sa NBA semifinals

    TINAPOS na ng Philadelphia Sixers ang kanilang serye sa Game 6 matapos na tambakan kanina sa score na 132-91 ang Toronto Raptors sa first round ng playoffs.     Dahil dito uusad na sa NBA semifinals ang Sixers na hawak ang 4-2 record.     Naging balanse sa opensa ang Sixers sa pangunguna ng MVP […]