• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Imbestigasyon sa mga hindi nagamit na malapit ng mag-expire na COVID-19 vaccines, nagpapatuloy –Nograles

PATULOY na nagsasagawa ng fact-finding investigation ang National Vaccination Operations Center (NVOC) kaugnay sa ilang COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa ilang local government units na malapit ng mag-expire subalit hindi naiturok sa katatapos lamang na isinagawang vaccination drive Bayanihan, Bakunahan.

 

“We’re still doing a fact-finding investigation. Wala pa kaming [we still don’t have a] conclusion with regard to that,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Nauna rito, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na “We are checking why some doses were not distributed because they were in the LGUs’ possession earlier. We are hoping that they were distributed or transported in other areas to get administered,”

 

Sinabi ni Nograles na maingat ang gobyerno sa expiration dates ng COVID-19 vaccines na ibabakuna.

 

Aniya, ang mga bakunang mayroong mas maagang expiration dates ang unang gagamitin sa pagbabakuna.

 

Samantala, sinusuring mabuti ng vaccine cluster ang expiration date at kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan sa vaccine manufacturers.

 

“In fact, nagsalita na si Secretary Charlie Galvez at iba pang member ng vaccine cluster na there are some vaccines na bagama’t sinasabi ang expiration date is ganito, based doon sa pag-assess nila ay magagamit pa rin naman po. Meron tayong papeles na nagsasabi na puwede pang gamitin ‘yan,” ang pahayag ni Nograles.

 

Aniya pa, hinggil sa pagtanggap ng mga donasyong bakuna, ang gobyerno ay nagtakda ng parametero gaya ng hindi pagtanggap ng malapit na ang expiry dates.

Other News
  • Kahit katapat nito ang pinag-uusapang ‘Darna’: Fantaserye ni RURU na ‘Lolong’, pataaas pa rin nang pataas ang rating

    BONGGA si Jillian Ward dahil nabigyan na siya agad ng GMA-7 ng isang napakabonggang role.     Gagampanan ni Jiliian ang isang genius young doctor sa bagong GMA Afternoon Prime, ang “Abot Kamay na Pangarap.”     Noong bata raw siya, around five years old, kapag tinatanong siya kung ano ang dream niya, ang sagot […]

  • Singapore Airlines magbabawas din ng mga empleyado

    Magbabawas ng 4,300 na empleyado ang Singapore Airlines dahil sa epekto pa rin ng coronavirus.   Ang nasabing bilang ay 20% workforce ng nasabing airline company.   Apektado dito ang regional carrier nito na SilkAir at budget airline na Scoot.   Sinabi ni Singapore Airlines’ chief executive Goh Choon Phong, na masakit sa loob nila […]

  • ROYCE, inaming ayaw ma-typecast sa nagawang movie at BL series

    SA pagiging talent ng GMA Artist Center, mabibigyan ng iba’t ibang roles na gagampanan ang indie actor na si Royce Cabrera.                   Inamin ni Royce na ayaw niyang ma-typecast sa mga roles na nagawa niya sa pelikula tulad sa F#*@bois at sa BL series na Quaranthings. Mapapanood din siya sa Ben & Jim […]