• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Imbestigasyon sa naudlot na town hall pres’l at vice pres’l debate, tatapusin ngayong linggo – COMELEC

TARGET ng Commission on Elections (COMELEC) na makumpleto ang imbestigasyon sa panghuli na sanang presidential and vice presidential debate ngayong April 23 at 24 na kapwa town hall format, ngunit ipinagpaliban sa susunod na linggo.

 

 

Kaugnay ito ng kabiguan ng kanilang partner na Impact Hub na bayaran ang Sofitel Plaza na siyang ginamit bilang hotel venue sa mga naunang naidaos na debate.

 

 

Sa isang panayam, inihayag ni COMELEC Commissioner George Garcia na umapela si Commissioner Rey Bulay na siyang nangunguna sa imbestigasyon na bigyan siya hanggang April 30 para aralin ang magiging paliwanag ng mga concerned parties.

 

 

Hindi aniya papalpampasin ang kontrobersya lalo’t napahiya rin mismo ang COMELEC.

 

 

Maasahan aniya na kapag napatunayang may sala ang kanilang partner, pwedeng kanselahin ang kontrata, magiging blacklisted din ang kompanya, at posibleng sampahan ng reklamo.

 

 

Sa inilabas na pahayag ng Impact Hub Manila na siyang nasa likod ng PiliPinas Debate 2022: The Turning Point, wala anilang kinalaman ang COMELEC sa naging aberya nila sa venue deal.

 

 

Kasunod ito ng rebelasyon ng hotel management na tumalbog ang tseke na inisyu sa kanila ng debate organizer kung saan umaabot umano sa P14 million ang hindi pa nababayaran.

 

 

Sa darating na April 30 at May 1 ang bagong petsa ng pinal na Comelec-organized vice presidential at presidential debates.

 

 

Una nang inihayag ni COMELEC spokesman James Jimenez na ang town hall format ay ‘yaong mayroong audience na mabibigyan ng pagkakataon para makapagtanong sa mga kandidato. (Daris Jose)

Other News
  • Lola na ‘tulak’, 1 pa kulong sa P210K droga sa Caloocan

    MAHIGIT P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam ng pulisya sa dalawang drug suspects, kabilang ang 62-anyos na lola matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Emey’, 62 ng Morong Rizal at alyas […]

  • Kelot kalaboso sa pananakit at panghahablot ng cellphone

    SWAK sa kulungan ang isang 21-anyos na snatcher matapos hablutin ang mobile phone ng isang dalaga at sinamapak pa ang nagmalasakit na vendor Martes ng hapon sa Malabon City.     Nabawi ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 sa suspek na si Syruz Bronuela, residente ng No. 10 Lingkod Nayon, Brgy. Tugatog ang […]

  • Nurse, 1 pa niratrat ng senglot na rider, dedbol

    DALAWANG katao, kabilang ang isang nurse ang nasawi matapos pagbabarilin ng isang senglot na rider matapos sumemplang sa kanyang motorsiklo sa Caloocan City.     Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina alyas “Mark”, 38, ng Merry Homes Subdivision, Brgy.172, Urduja at obrerong si alyas “Willy”, 39, ng Brgy 173 Congress, matapos silang pagbabarilin ng security officer […]