• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Imee Marcos, pinasalamatan ni VP Sara para sa pagsuporta sa pamilya Duterte

PINASALAMATAN ni Vice President Sara Duterte si Senador Imee Marcos para sa pagsuporta nito sa kanyang pamilya kahit pa nauwi ito sa tuluyang pagkakaroon ng tampuhan ng mag-pinsan na sina Imee Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

Sa naging mensahe ni VP Sara, sinabi nito na ‘proud’ ang kanyang sa pamilya sa prinsipyo na mayroon ang mga ito para sa kapakanan ng mga mamamayang Filipino.

 

 

“Daghang salamat Sen. Imee Marcos sa imong suporta kanako, among pamilya, sa mga Dabawenyo ug katibuk-ang Siyudad sa Dabaw (Thank you, Sen. Imee Marcos for your support to me, our family, the Dabawenyos, and Davao City),” ayon kay VP Sara.

 

 

“Prinsipyo lang ang meron kami, wala ng iba. May isang salita para sa kapakanan ng bayan – ito lang ang ipinagmamalaki namin. Pagpalain ka nawa ng Señor Sto. Niño,’ ayon kay VP Sara.

 

 

Nauna rito, nagpahayag kasi ang senador na hindi siya “on good terms” kay Romualdez dahil pumanig ang una sa mga Duterte.

 

 

“Alam ko may tampo ‘yun sakin eh mula nung October dahil nga sinabi ko na pro-Duterte ako. Kasi gusto ko ngang masalba at huwag masira ang UniTeam,” ayon kay Imee Marcos, nakatatandang kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ani Imee Marcos, pinayuhan niya ang kanyang pinsan na huwag makipag-away sa mga Duterte dahil naging mabuti ang mga ito sa kanila.

 

 

“Bakit tayo nakikipag-away? Hindi naman [sila] nakikipag-away. Ang tapang tapang nga ng mga Duterte, pero hindi naman tayo tinatapangan. Talagang mababait satin. Ano bang problema?” ang taong ni Imee Marcos sa kanyang pinsan.

 

 

Matatandaang, nagkaroon ng iringan sa pagitan ng ama ni VP Sara na si dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte at Romualdez dahil sa usapin ng confidential funds, ang alegasyon ng dating Pangulo ay ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ang “most rotten institution” sa gobyerno.

 

 

Samantala, nakikita naman ni Romualdez na magiging maayos at maganda ang relasyon ng Kongreso at VP Sara kasunod ng naging desisyon ng huli na bitawan na ang kanyang confidential fund sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.

 

 

Naging mainit din ang pangalan ni Romualdez nang masangkot sa espekulasyon na prayoridad ng Kongreso na isulong ang resolusyon na naghihikayat sa administrasyong Marcos na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) investigation hinggil sa drug war deaths noong panahon ni dating Pangulong Duterte.

 

 

Ang paliwanag ni Romualdez, ang anumang desisyon ng Kongreso sa resolusyon ay sumasalamin sa sentimyento ng mga miyembro nito. (Daris Jose)

Other News
  • PAGAWAAN NG SIGARILYO SA BANSA, ISANG MODEL WORKPLACE

    ANG  pasilidad ng mga malalaking pagawaan ng sigarilyo  sa bansa ay model workplace sa panahon ng pandemya, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng kanyang pagbisita sa isang malaking planta ng sigarilyo. Sa kanyang pagbisita sa planta ng Phlip Morris Fortune Tobacco Co kahapon, pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang multinational […]

  • Abu Dhabi Crown Prince kay PDu30: UAE gov’t will take care of OFWs

    NANGAKO si Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan na iingatan ng kanyang gobyerno ang mga Filipino national na naninirahan at nagta-trabaho sa United Arab Emirates (UAE).     Ang pahayag na ito ng Crown Prince ay naipabot kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng phone call.     Ni-renew kasi […]

  • PDu30, binalaan ang mga magbebenta ng pekeng Covid-19 vaccines

    BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga magbebenta ng mga pekeng Covid-19 vaccines sa bansa.   Ayon sa Pangulo, titiyakin niya na pagbabayaran ng mga ito ang kanilang gagawin o kaya naman ay pupulutin ang mga ito sa kung saan sila dapat pulutin.   “Itong nagi-import ng walang ano, walang source tapos peke tapos ang mga tao […]