Impeachment, hinahadlangan?
- Published on January 23, 2025
- by Peoples Balita
KINONDENA ng Makabayan bloc sa kamara ang mabagal umanong proseo o takbo ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kina ACT Teachers Rep. France Castro, GWP Rep. Arlene Brosas at
Kabataan Rep. Raoul Manuel, wala silang nasaksihang kasaysan sa kamara na natulog umano nang mahigit isang buwan ang impeachment complaints sa Secretary General’s office.
Naniniwala ang mga ito na ang pagalinlangan para i-transmit at simulan na ang impeachment proceedings ay nag ugat sa nakalipas na mga pahayag ni Presidente Marcos na sinabihan niya ang mga kaalyado na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay Duterte dahil hindi naman ito importante at wala naman ito epekto sa pamumuhay ng mamamayang Pilipino.
ang ganito umanong pakikialam ay isang mapanganib na paghadlang umano sa constitutional processes at democratic accountability.
Hindi anila maaaring magpatuloy ang House secretary general sa pag-upo sa naturang mga reklamo.
“The Constitution mandates that impeachment proceedings must be initiated upon proper filing of complaints,” anang mga mambabatas.
nanawagan naman ang mga ito sa mga kasamahang mambabatas na igiit ang kanilang constitutional mandate at huwag hayaan na madiktahan umano ng Executive ang takbo at kalalabasan ng impeachment proceedings.
(Vina de Guzman)
-
Odd-even scheme, bahagi ng opsyon para lutasin ang problema sa trapiko- MMDA
IPINANUKALA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong number coding schemes para malunasan ang matinding trapiko sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni MMDA general manager Romando Artes na ang paggamit ng odd-even scheme at modified number coding scheme, ay bukas sa kasalukuyang sistema na umiiral sa ngayon. Sa ilalim […]
-
Sa pamamagitan ng two new vlogs: Senator IMEE, sasalubungin ang ‘Year of the Water Rabbit’
IPAGDIRIWANG ni Senadora Imee Marcos ang Year of the Water Rabbit sa dalawang bagong vlogs na libreng mapapanood ngayong weekend sa kanyang official YouTube channel. Sa Enero 21, Sabado, ipasisilip ni Imee ang kanyang mga subscribers sa katatapos lamang na kanyang pagbisita sa Tsina kasama ang Pangulong Bongbong Marcos kung saan nakipagpulong sila […]
-
PAGCOR, PCSO tinintahan ang guidelines para sa pagpopondo sa Universal Health Care
SINABI ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na lumagda ito sa isang joint circular kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ukol sa pagpapatakbo ng kani-kanilang alokasyon para pondohan ang Universal Health Care (UHC). Ang circular, kung saan nakadetalye ang operational guidelines para sa PAGCOR at PCSO para mag-remit ng pondo sa […]