Impeachment secretariat, binuo para sa mga prosecutors
- Published on March 3, 2025
- by Peoples Balita
PORMAL nang binuo ng Kamara ang Impeachment Secretariat upang siyang maglalaan ng technical at administrative support sa public prosecutors na siyang hahawak sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, na nakapaloob sa Memorandum Order No. 19-1006 (SG) na inisyu ni House Secretary General Reginald Velasco.
“The House Secretariat plays a vital role in ensuring the orderly conduct of legislative proceedings, including impeachment trials. This directive ensures that the prosecution team has access to essential logistical, research, and documentation support to facilitate a smooth and efficient trial process,” ani Velasco.
Ang Impeachment Secretariat ay bubuuin ng mga personnel mula sa iba’t ibang opisina ng Kongreso, kabilang na ang Office of the Secretary General, Office of the Sergeant-at-Arms, Legislative Operations Department, Legal Affairs Department, at iba pang units.
Bahagi ng kanilang tungkulin ay ang pagbibigay ng plenary support, legal research, records management, stenographic transcription, information technology, security, at administrative coordination.
“This is a routine function aligned with our constitutional duty. The House Secretariat remains neutral and professional in fulfilling its mandate,” dagdag ni Velasco.
Upang masiguro ang accountability, ang lahat ng personnel na nakatalaga sa senado ay magtatala ng kanilang attendance sa pamamagitan ng designated HousePass monitoring system, at ang kanilang schedules ay pangangasiwaan ng kani-kanilang kaukulang opisina.
“As the impeachment process moves forward, the Impeachment Secretariat will continue to provide the necessary support to uphold the integrity of the proceedings,” pahayag ni Velasco. (Vina de Guzman)
-
PDu30, handang pondohan ang imbensyon ng oral COVID-19 vaccine
HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pondohan ang imbensiyon na oral COVID-19 vaccine ni Dr. & Rev. Fr. Nicanor Austriaco, OP, Professor of Biological Sciences. Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na kung makikita na epektibo at ligtas ang oral COVID-19 vaccine na imbensyon ni Fr. Austriaco ay […]
-
Presyo ng swab o PCR test, bagsak-presyo Malakanyang
TINIYAK ng Malakanyang na ibaba ang presyo ng COVID swab test sa ilalim ng bagong approach na inilalatag ng pamahalaan laban sa Corona virus. Ito’y bunsod na rin ng ikakasang pool testing na kung saan, ang isang PCR testing kit ay kayang paghati- hatian at gamitin ng sampu hanggang 20 indibidwal. Ayon kay Presidential spokesman […]
-
Mamamayan, hinimok ng CBCP-ECHC na magpa-booster laban sa COVID 19
HINIKAYAT ng opisyal ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang publiko na suportahan ang inisyatibo para sa muling pagpapaturok ng Covid19 vaccine. Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Dan Cancino MI, Executive Secretary ng komisyon kaugnay sa panawagan ng Department of Health na magpa-2nd dose na ang mamamayang Filipino lalo na ang […]