• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Impeachment trial ni VP Duterte Senate, hindi optional, dapat ituloy ngayong 20th Congress

AYON kay reelected Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, isa sa miyembro ng House prosecutors sa kaso, na hindi optional ang pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at dapat matuloy ito ngayong 20th Congress kapag pormal na itong magbukas.

“No, it is not optional. As soon as it is filed, ang understanding ko, ang obligasyon ng Senado is to hear and decide the case,” ani Flores.

Nang tanungin ukol sa posibilidad na madismis ang kaso, umaasa ito na huwag naman sana dahil obligasyon ng senado sa ilalim ng konstitusyon na dinggin at magdesisyon sa usapin,

“Yun naman ang nakasabi doon sa Constitution. So, kung i-follow lang nila ‘yung Constitution, there is really going to be a trial,” pahayag ni Flores.

Hinihintay na lamang ng Kamara ang pormal na organisasyon ng 20th Congress bago ito magdesisyon kung kukumpletuhin ang hinihinging sertipikasyon ng Senate impeachment court para magpatuloy sa trial.

“Wala pang certification or compliance na magagawa until the 20th Congress is organized and starts. So that’s technically after the SONA pa,” anang mambabatas.

(Vina de Guzman)