• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Imprenta ng balota sa midterm polls 92% na

NASA 92% na ng mga balotang gagamitin para sa May 12 National and Local Elections (NLE) ang natapos nang iimprenta ng Commission on Elections (Comelec).

 

Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, ito ay katumbas ng nasa 61 milyon hanggang 62 milyong balota na natapos nang iimprenta.

Dahil dito, aabot na lamang aniya sa halos anim na milyong balota ang kailangan pa nilang iimprenta sa mga susunod na araw.

 

Sinabi pa ni Garcia na sa naturang bilang ng mga balotang naiimprenta na, 37 milyon na ang natapos nang beripikahin.

 

“Nasa 92 percent na po kami. Almost 6 million na lang ang kaila­ngan imprenta. Verified sa kasalukuyan ay nasa 36 to 37 million na balota. Technically maayos naman,” pahayag ni Garcia.

 

Dagdag pa ni Garcia, kailangan nilang bilisan ang proseso ng pagberipika sa mga balota kaya’t sa sandaling matapos nila ang ballot printing ay gagamitin naman nila ang mga tauhan para sa ballot verification.

 

Anang poll chief, “On the average, kailangan makapag-verify tayo ng 1.2 million balota on a single day para makaabot kami sa self-imposed deadline para sa distribution ng balota.”

 

Matatandaang una nang sinabi ni Garcia na umaasa silang matatapos ang ballot printing hanggang Marso 19, na mas maaga sa itinakda nilang deadline na Abril 14.

Other News
  • Wish na malampasan ng ‘Batang Quiapo’ ang huling serye: COCO, inamin na mahirap talaga siyang katrabaho

    SIMULA sa Lunes, Pebrero 13, magbabalik na ang Hari ng Primetime na si Coco Martin para bigyang-buhay ang isa na namang dekalibreng obra ni Fernando Poe Jr. na “FPJ’s Batang Quiapo.” Pagkatapos ng makasaysayang seven-year run bilang Cardo Dalisay sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” muling sasabak si Coco sa mga makapigil-hiningang bakbakan bilang ang matapang at […]

  • P1.4 B MRT 4 tuloy na

    Nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Spain-based design consultant IDOM Consulting, Engineering, Architecture SA ang isang consultancy contract para sa detalying architectural at engineering design na itatayong Metro Rail Transit Line 4 (MRT4).       Ang kabuohang gastos para sa consultancy contract ay nagkakahalaga ng $28.967 million o tinatayang P1.4 billion sa peso. […]

  • Ads August 1, 2024